^

PSN Opinyon

Gov. Remulla, bulag, pipi at bingi vs pasugalan sa Cavite!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Hitik pala ang pasugalan sa Cavite kaya dapat hindi na magtaka si Gov. Jonvic Remulla kung bakit tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa probinsiya. Maliban kasi sa jueteng ni John Yap at Small Town Lottery (STL) ng Top Gem, aba talamak din pala sa Cavite ang lotteng at iba pang sugal ni Jun Alviar. Siyempre tulad ng jueteng at STL, ang kubrador ni Alviar ay gumagala rin sa kalye kaya malaki ang posibilidad na dapuan din sila ng virus, ‘di ba mga kosa?

Wala pa naman kasing nakaiimbento na ang tayaan sa jueteng, STL at lotteng ay online na para makaiwas ang mga mananaya sa COVID. Sa ngayon, face-to-face ang operation ng mga sugal sa Cavite kaya ito ang itinuturo na pangunahing dahilan para tumaas ang kaso ng COVID at hindi alam ito ni Remulla? Dipugaaaa!

Kung sabagay, kung tahimik si Remulla sa mga pasu­galan sa panahon ng pandemya, ganundin sina Calabarzon police director Brig. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad at Cavite police director Col. Marlon Santos. Magkano kaya? Hehehe! Si Santos ay bukambibig ni Alviar kaya hindi nagtataka ang mga kosa ko kung bakit hindi magalaw-galaw ng pulisya ang ilegal na negosyo niya.

Hindi naman kaila sa mga kosa ko na ang mga kubrador ay nagbabakasakali lang na kumita ng kapiranggot para may pantawid sa gutom ang kanilang pamilya sa panahon ng pandemya. Kaya lang, baka dapuan sila ng virus eh t’yak hindi sila sasaluhin nina Yap, Alviar at ma­nagement ng Top Gem. Dipugaaaa! At ang masama pa n’yan, baka sisihin pa sila ni Remulla. Mismooooo!

Kung bakit bulag, pipi, at bingi si Remulla sa katotohanan na malaki rin ang papel ng pasugalan nina Yap, Alviar at Top Gem sa pagtaas ng COVID ay siya lang ang nakaaalam. Sana lang, atupagin ni Remulla ang problemang dulot ng nagtaasang kaso ng COVID tulad ng ibang pulitiko sa bansa at hindi ‘yung nagtuturo pa siya ng ibang ahensiya ng gobyerno ni President Digong.

Lalong dadami pa ang kaso ng COVID sa Cavite kapag nagbukas na ang online sabong na “Sabong Express” ng negosyanteng si Bong Pineda, ‘di ba mga kosa? Hehehe! May permit na ba ang Sabong Express Gov. Remulla Sir? Abangan!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with