^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hayok sa basura

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hayok sa basura

Kinasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ang apat na Customs officials dahil sa illegal na importation ng hazardous solid wastes mula sa Canada noong 2013 at 2014. Sana naman, mabigat ang iparusa sa mga hayok sa basurang opisyal ng Customs.

Ang mga kinasuhan ay sina BOC examiners Benjamin Perez Jr., at Eufracio Ednaco at apprai-sers na sina Matilda Bacongan at Jose Saromo. Kinasuhan sila sa paglabag sa Republic Act No. 6969 (Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990).

Ang nakapagtataka lamang ay kung bakit na-dismis ang apat sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Ayon sa DOJ, wala raw sapat na ebidensiya laban sa mga ito. Siguro dapat pang rebyuhin ng DOJ ang kaso ng apat. Imposibleng wala silang hangad na pagkakitaan kung bakit hinayaan nilang makapasok sa bansa ang Canadian trash na kinabibilangan ng hospital wastes at iba pang toxic wastes.

Imposibleng hindi nila alam na basura ang parating at alam nilang bawal ang pag-e-export ng basura ayon sa Basel Ban Amendment. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-eexport ng basura mula sa developed countries to developing countries.

Matindi ang korapsiyon sa Customs. Lahat nang pagkakakitaan ng mga gahaman sa nasabing tanggapan ay papasukin kahit pa ang nakalalasong basura. Alam nilang bawal magpasok ng hazar-dous wastes pero dahil malaki ang perang sangkot, pinayagan nilang makalusot. Nasa 100 containers ang basura ng Canada na dinala sa Pilipinas.

Nagalit si President Duterte sa Canada dahil sa isyu ng basura. Pinauwi niya ang ambassador ng Pilipinas at iba pang embassy officials. Saka lamang umaksiyon ang Canada at hinakot ang kanilang basura noong  Mayo 2018. Pitong taon na nakatambak sa bansa ang mga basura.

Bukod sa Canada, nagdala rin ng basura sa bansa ang South Korea, Australia at Hong Kong ilang taon na ang nakararaan pero nagkusa na silang hakutin ito.

Dahil sa mga matatakaw sa Customs kaya nakapasok sa bansa ang basura ng Canada. Parusahan sana nang mabigat ang apat na Customs officials na hinayaang makapasok ang nakalalasong basura para hindi na sila pamarisan. At nasaan na rin ang may-ari ng kompanyang nag-order ng basura sa Canada. Walang nabanggit ang DOJ ukol dito. Dapat maparusahan din ang consignee.

vuukle comment

BASURA

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with