^

PSN Opinyon

Masinop na paggamit ng pondo sa panahon ng pandemya

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Maraming nagtatanong kung magtatayo ba ang Makati ng sariling cold storage facility para sa COVID-19 vaccines, tulad ng ginagawa ng ilang lokalidad. Nais kong linawin na hindi namin kailangang gawin ito.

Unang-una, “drawdown arrangement” ang napagka­sunduan namin ng mga kompanya ng AstraZeneca at Pfizer. Ibig sabihin nito, sa bawat araw ng pagbabakuna, bibigyan kami ng saktong bilang ng bakuna para lamang sa isang araw. Mayroon nang kanya-kanyang storage facility ang mga kompanyang ito dito mismo sa Metro Manila, kaya madali na lang ang pagkuha ng suplay ng bakuna mula sa mga ito.

Gayundin, may inihanda na ang pambansang pamahalaan na cold storage facilities na angkop sa mga baku­nang paparating. Mismong si Secretary Carlito Galvez, Jr., ang ating vaccine czar, ay nagpayo sa mga lokal na pinuno na gawing prayoridad ang manpower o human resources sa paglalaan ng pondo. Sang-ayon ako sa kanyang payo, dahil dapat na pag-isipang mabuti ang paglalaan at paggamit ng pondo sa panahong ito ng krisis. Kung hindi naman kailangan, hindi na dapat pagkagastusan.

Ang kailangan lamang itayo ng lungsod ay mga vaccine depot kung saan ilalagak ang mga bakuna bago dalhin sa mismong vaccination site. Nakabili na kami ng 42 biomedical refrigerators at laboratory freezers para sa main vaccine depot sa City Hall at apat pang vaccine depots na magsusuplay ng bakuna sa 32 vaccination sites sa lung­sod. Kasama rito ang 24 public schools, anim na villages, at ang Ospital ng Makati, na may ilalaang express lanes para sa mga kaso ng may adverse reaction sa bakuna.

Kumpiyansa ako sa kakayanan nating tugunan ang ganitong mga kaso, lalo na’t nakamit ng Ospital ng Makati ang ISO 9001:2015 re-certification matapos pumasa sa mahigpit na Surveillance Audit na isinagawa ng SGS nitong nakaraang linggo.

Kasalukuyang nagre-recruit ang lungsod ng mga doktor, nars at iba pang health workers para bumuo ng 104 vaccination teams na itatalaga sa vaccination sites. Tinitiyak ko sa ating #ProudMakatizens na may sapat tayong pondo para sa lubusang pagpapatupad ng Bakuna Makati. Hindi pa nga nangalahati ang P1-bilyong pondo natin matapos bilhin ang isang milyong doses ng COVID vaccine mula sa AstraZeneca. Puwede pa tayong bumili ng karagdagang suplay ng bakuna kung kinakailangan, pati na ibang kagamitan na maaaring hindi maibibigay ng pambansang pamahalaan.

Muli kong inaanyayahan ang medical professionals, health workers at volunteers na makibahagi sa Bakuna Makati. Bukod sa magandang compensation and benefits package na laan sa inyo, mabibigyan din kayo ng pagkakataon na makapaglingkod sa kapwa at maisulong ang ligtas na mga komunidad tungo sa tuluy-tuloy na pagbangon at pag-unlad ng buong bansa.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with