^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Handa na sa pagbabakuna

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Handa na sa pagbabakuna

Nagbibigay ng pag-asa ang sinabi ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na ngayong buwan ay maaari nang simulan ang mass vaccination. Sa memorandum na ginawa noong Enero 26 at isinapubliko lamang noong Sabado, sinabi ng NTF na nakalatag na ang mga plano sa isasagawang pagbabakuna sa mamamayan sa sandaling duma­ting ang mga biniling bakuna. Mayroon na anilang direksiyon at nakipag-ugnayan na sila sa government at private stakeholders para sa maayos na rollout ng vaccines. Lahat nang ahensiya ng NTF ganundin ang regional at local task forces and vaccination centers ay inaatasang ipatupad ang memo­randum. Sinabihan na rin ang local governments na magtayo na ng vaccination operation centers (VOCs) sa lalong madaling panahon.

Nakasaad sa plano na uunahing bakunahan ang mga health workers, sunod ang senior citizens, indi­gent population at uniformed personnel. Naka­saad din na magiging priority sa deployment process ang mga lugar na mataas ang COVID cases. Kapag naibigay na ang unang dose ng bakuna, magkakaroon ng monitoring for adverse effects. Ito ay para malaman kung ano ang mga naging epekto ng bakuna at makagawa ng aksiyon at mga imbestigasyon. Dito rin malalaman ang mga feedback at iba pang report para makagawa naman ng analysis.

Ang memorandum ay nilagdaan ni NTF chief im­plementer Carlito Galvez Jr., chairman Delfin Lorenzana at vice chairman Eduardo Año. Nakatakdang dumating ang may siyam na milyong doses ng bakuna mula Pfizer-BioNtech at AstraZeneca ngayong buwan o sa Marso sa ilalim ng COVAX facility­, sabi ng NTF.

Naghahatid din ng pag-asa ang sinabi ng National Economic Development Authority (NEDA) na posibleng magkaroon na ng relaxed quarantine sa Metro Manila sa Marso kung patuloy na susunod sa health protocols ang publiko. Sabi ni Karl Chua, NEDA acting director general na ang kooperasyon ng mamamayan ang kailangan para magkaroon ng relax quarantine sa susunod na buwan.

May mga nakikita nang liwanag ng pag-asa sa mga susunod na umaga. Plantsado na ang gaga­wing pagbabakuna at sa tulong at kooperasyon ng bawat isa, malalampasan din ang pandemya. Ganunman, ituloy pa rin ang pag-iingat. Pagsusuot ng face mask, face shield at magkaroon ng distansiya.

vuukle comment

NTF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with