^

PSN Opinyon

Malala pa sa 9/11

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Kapag natapos na ang eleksiyon, kesyo dito sa atin o kung saan man sa mundo, ang natitirang panahon bago ang turn-over sa mga bagong uupo ay pagkakataon para lamang gawing maayos ang transition. Kung mayroon mang mga mahalagang kailangang asikasuhin o sensitibong nakatengga na usapin, sinisiguro na naipapasa ito nang maayos sa bagong mga hahawak.

Doon sa mga malinis ang intensyon, ang panahong nalalabi na kadalasan ay hindi aabot ng dalawang buwan­ ay sinasamantala upang makagawa ng kabutihan. “Legacy thinking” ang pinaiiral: kung mayroon pang “last chance” na makaiwan ng pamana sa nangangailangan.

Kung tutuusin kasi, bawat araw nasa puwesto, kahit pa patapos na ng termino, ay araw na binendisyunan ka ng kakaibang kapangyarihan. Habang hawak pa ang poder, gamitin ito para sa kapwa dahil pagsapit ng hatinggabi ng huling araw ng panunungkulan, maglalaho ito na parang bula.

Ganun sana mag-isip si President Donald Trump ng Amerika. Nang magpasya na ang taong bayan, nakuha sana niyang gamitin ang pagkakataon upang makagawa ng hindi masukat na kabutihan. Napakabigat ng pu­wersa at kapangyarihan ng posisyon ng American President. Kahit pa two months na lang ang nalabing oras, halos 60 na araw pa sana iyon na maitatak sa kasaysayan ang mga kabutihang maiiwan niya para sa kanyang mga kaba­bayan.

Sayang at sinamantala niya ito para sa sariling interes. At ang pamanang iniwan ni President Trump ay ang pag-udyok sa kanyang mga taga-suporta na imbes na respe­tuhin ang proseso ng demokrasya ay manguna sila sa pagbalewala nito dahil lamang hindi nila matanggap ang hatol ng nakararami.

Ang naganap na insureksyon sa Amerika nang sinugod ang kanilang Kongreso ay ang pinakamalaking kahihiyan sa kasaysayan ng Amerika. Mas malala pa ito sa trahedya ng 9/11 nang nasalisihan sila ng mga teroristang pakana ni Osama Bin Laden. Mas mahirap itong tanggapin dahil ang mga nagpakana nito ay mismong sariling mamamayan at ang mastermind pa ay walang iba kung hindi ang Presidenteng nanunungkulan.

vuukle comment

LEGACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with