^

PSN Opinyon

Todo tanggi si Duque sa pagbakuna sa PSG

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MALINIS na naman ang konsensiya ni Health secretary Francisco Duque III tungkol sa pagbakuna sa mga miyem­bro ng Presidential Security Group (PSG) at ilang sundalo ng Philippine Army (PA). Kasi nga wala siyang alam kung bakit naiturok ang bakuna na mula sa SinoPharm kahit na wala pang pahintulot ang Food and Drug Administration (FDA) gayong nasa chemical trial pa lang ang ilang drug manufacturer sa bansa. Kaya kaliwa’t kanan na naman ang batikos kay Duque sa social media!

Kung may kamandag si Duque dapat lamang na alam niya ang pagpapahintulot sa bakuna ng SinoPharm na maiturok sa PSG at PA personnel’s. Get n’yo mga suki? Kaya ngayon todo ang tanggi nito na wala siyang alam sa naganap na pagbakuna. Tama lang naman na mabigyan na ng bakuna ang ating mga kasundaluhan upang maging ligtas sila sa pagkahawa ng COVID-19 subalit inilagay sana niya sa tamang proseso upang makumbinsi ang sambayanan na ligtas na nga itong gamitin.

At ngayong sumabog na ito sa kaalaman ng mga Pilipino, naghugas kamay na naman ito na wala siyang alam sa bakunahan, hehehe! Kanya-kanyang palusutan na naman ang nangyari. Malinaw ‘yan sa mga pahayag ng ilang opisyales ni Pres. Rodrigo Duterte at mga dalub­hasang doktor sa bansa.

* * *

Maingay sa bakuran ng House of Representative building­. Ayon sa isang source, nagbubunyi raw ngayon ang tanggapan ni Presidential Anti-Corruption Commissioner Greco Belgica dahil sa ingay na ginawa ng pagsisiwalat sa mga pangalan ng mga mambabatas sa umano’y korap­siyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pinangalanan ni President Duterte ang mga sangkot umano sa korapsiyon na sina ACT-CIS party list Rep. Eric Yap; Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman; Isabela 4th District Rep. Alyssa Tan; Misamis Occidental 2nd District Rep. Henry Oaminal; Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza; Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato; Quezon 4th District Rep. Angelina Helen Tan; Quezon city 5th District Rep. Alfredo Vargas at dating Ifugao Rep. Teodoro Baguilat Jr.

Ang katawa-tawa, wala namang inilabas ang PACC na ebidensiya para patunayan ang pagkakasangkot ng mga mambabatas. Ayon sa source, minadali raw ang pagpapalabas ng mga pangalan para matabunan ang kasong kinakaharap ni Belgica sa Ombudsman.

Si Belgica ay pinaiimbestigahan sa Ombudsman ng mga empleyado ng Duty Free Philippines Corp. (DFPC) para sa kasong kriminal na Anti-Graft and Corrupt Practices Act at maging sa kasong administratibo na grave misconduct dahil umano ginagamit nito ang kasong isinampa nila sa kanilang management para magkaroon ng koneksiyon sa kompanya para sa kanyang personal na interes.

Namataan kasi kamakailan si Belgica na namimigay ng mga relief goods na galing sa isang grocery chain sa pamamagitan ng DFPC sa mga biktima ng kalamidad. Kaya raw sobrang masaya ang tanggapan ni Belgica ngayon ay dahil bukod sa poging-pogi siya sa mata ng publiko, natahimik pa ang isyu laban sa kanya.

Antabayanan ang kanilang kasagutan.

vuukle comment

PSG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with