^

PSN Opinyon

Hindi puwede ang puwede na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Bakit iginigiit ng pamahalaan na gamitin ang bakuna laban sa COVID-19 na gawa sa China na 50 percent lang ang bisang makapagpagaling kumpara sa gawa ng Pfizer na napatunayang higit na mabisa?

Nakapagtataka na ipinagtatanggol pa ito ng Department of Health na nagsabing ang requirement ng World Health Organization (WHO) para pumasa ang bakuna ay 50 percent lang. Pagpalagay nang totoo ito, bakit gagamit ng less effective na vaccine kung mayroong mas epektibo?

Magugunita na nauna nang nagka-kontrobersya matapos ireklamo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na  nasilat ang nakatakdang delivery ngayong buwan ng may 10 milyong doses ng COVID vaccine ng Pfizer dahil inilaglag ng ilang opisyal ng pamahalaan ang negosasyon. Nagkaroon tuloy ng paghihinala ang taumbayan na baka hindi nagkasundo sa “for the boys” o komisyon.

Alam na nating matagal nang nakakiling si Presidente Duterte sa China bilang bagong kaalyado. Pero ang nakataya ay ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan sa harap ng tumitinding pandemya at muling paglobo ng bilang ng mga dinarapuan ng sakit.

Napapabalita na kumakalat na ang bago at malakas na strain ng Corona Virus na nagsimula sa United Kingdom. Dapat maging mas maingat ang gobyerno sa pagpili ng gagamiting bakuna. Hindi puwede ang puwede na.

Tiyak, malaking halaga ang gagastusin ng gobyerno sa bakuna at kung ang mapipili ay wala palang bisa, para na rin tayong nagsunog ng salapi na puwedeng itulong sa mga mamamayang nangangailangan.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

PFIZER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with