^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mapanganib pa rin ang marijuana

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mapanganib pa rin ang marijuana

Ilang mambabatas ang natuwa sa ginawa ng Uni­ted Nations Commission on Narcotic Drugs (CND) na pag­papababa sa classification ng marijuana. Less dan­gerous na umano ito. Sabi ng mga mambabatas na pabor sa legalisasyon ng marijuana, magandang patibay ang ginawa ng UN para hindi na batikusin ang pagsusulong ng marijuana bill na matagal nang nakabinbin. Ayon kay Isabela Rep. Tonypet Albano, mababawasan na ang mga kritiko dahil sa ginawang pagpapababa ng klasipikasyon ng marijuana. Gina­gawa umanong dahilan ng mga kritiko ang pagiging dangerous ng marijuana para mapigilan ang pagpapasa ng kanyang House Bill 279 o ang medical compassion cannabis.

Noong 2014, inihain din ng kanyang kapatid na si dating Isabela Rep. at ngayo’y governor Rodito Albano ang House Bill 4477 (Compassionate Use of Medical Cannabis Act). Hindi naaprubahan ang panukala sapagkat tinutulan nang maraming sector kabilang ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) at Department of Health (DOH). Ayon sa DOH, kaila­ngan pa nila nang sapat na ebidensiya para masabing nakagagamot ang marijuana. Wala pa raw nakapagpapatunay na nakagagamot ng epilepsy ang marijuana.

Iginiit noon ni Albano na gagawing legal ang paggamit ng marijuana pero para sa medical purposes lamang. Hindi raw puwedeng gamitin ang marijuana para sa recreation purposes. Hindi rin puwedeng ibenta­ kung saan-saan ang marijuana at hindi rin ito puwedeng itanim sa bakuran.

Pero sa kabila ng mga paliwanag, hindi nakapasa ang panukalang batas sa marijuana.

Ganito rin ang maaring kahantungan ng House Bill 279 ni Rep. Tonypet Albano. Hindi rin papasa sapagkat mas nakikita na aabusuhin ito kapag na-legalized. Maski ang Dangerous Drugs Board (DDB) ay nagsabi kamakailan na mapanganib ito. At ngayon ngang hindi pa ito nagiging legal ay marami nang nahuhuling nagtatanim at nagbebenta, paano pa kapag na-legalized. Kamakailan lang, 217 kilos ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P26 milyon ang nahuli sa Balintawak na nagmula pa sa Cordillera.

Kapag naging legal ang marijuana, panibagong dagdag sa problema ng illegal na droga sa bansa. Kung ang pagkalat ng shabu ay hindi masugpo sa kabila na marami nang napapatay, tiyak na ganito rin ang hahantungan ng marijuana. Marami ang magkakalakas ng loob na magtulak na lamang ng marijuana dahil malakas itong pagkakitaan.

Magdahan-dahan ang mga mambabatas sa pagsusulong ng MJ bill.

vuukle comment

UN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with