^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dredging sa Cagayan at Marikina River

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Dredging sa Cagayan at Marikina River

Pagpapalalim at paglilinis sa mga ilog sa bansa ang nararapat gawin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para hindi na maulit ang nangyaring baha noong nakaraang buwan. Hindi na kailangang hintayin pang may dumalaw na bagyo bago isagawa ang pagpapalalim sa mga ilog.

Nagkamalay na sa wakas ang DENR at ipinag-utos ang pagpapalalim (dredging) sa Cagayan River. Masyado nang mababaw ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas kaya nang manalasa ang Bagyong Ulysses noong nakaraang buwan, umapaw ito at lumubog ang buong probinsiya ng Cagayan at pati ang Isabela. Unang itinuro na ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ang dahilan nang pagbaha. Para makaligtas, nag-akyatan sa bubong ng kanilang bahay ang mga residente para makaligtas sa rumagasang baha.

Buhangin (sandbars) ang dahilan kaya bumabaw ang Cagayan River. Ito ang nararapat alisin para hindi na muling magbaha sa darating na panahon. Tinukoy na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga portion ng ilog na dapat kayurin ang buhangin para lumalim. Pinakamara-ming sandbars sa ilog na sakop ng Tuguegarao City at sa mga bayan ng Solana, Iguig, Gattaran, Enrile at Amulung.

Ngayong palalalimin na ang Cagayan River, dapat din namang umpisahan din ang pagpapalalim sa Marikina River para maiwasan din ang pagbaha. Taun-taon ay bumabaha sa Marikina, Rodriguez, San Mateo at Taytay, Rizal dahil mababaw na ang Marikina River. Kapag hindi napalalim ang Marikina River, mauulit ang mga pagbaha. Linisin din sa basura ang ilog. Nang bumaha noong nakaraang buwan dahil sa Bagyong Ulysses, sangkaterbang basura ang inanod na nagmula sa ilog.

Sana maiprayoridad ng DENR ang pagpapalalim sa mga ilog para maiwasan ang pagbaha. At nararapat din namang tingnan ang mga ginagawang pagku-quarry na isa rin sa dahilan kung bakit nagbabaha. Magkaroon din ng kampanya ang DENR para sa malawakang pagtatanim ng mga punongkahoy. Hindi na sana maulit ang mga nangyari na nagkukumahog sa pag-akyat sa bubong ng mga bahay ang mga residente para makaligtas sa baha. Hindi sana pawang plano ang DENR at maisakatuparan sa lalong madaling panahon ang dredging sa mga ilog.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with