^

PSN Opinyon

Department of Disaster Resiliency kailangan na

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANO na nangyari sa Department of Disaster Resiliency na ipinanukala ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano mula pa nang siya’y Senator pa?

Sangkatutak na delubyo at iba pang natural na sakuna ang hatid ng papatapos na taong 2020. Iba’t ibang kalamidad­ ang dinanas natin tulad ng pagputok ng Taal Volcano, mala­lakas na bagyo kabilang na ang bagyong Rolly at Ulysses at ang global pandemic na COVID-19.  

Kawalan ng ‘vision’ o tamang pananaw  na paghandaan ang mga kalamidad ang dahilan nito. Susi sa kakayahan at tagumpay ng isang pamunuan o liderato ang pagkakaroon ng ‘vision’ bago pa man naganap ang sakuna.

Noon pa man ay may mga warning sign na. Mga indi­kasyon na magkakaroon ng  COVID-19. Sa kabila nito, hindi tayo naghanda para mailatag ang mga dapat gawin . Alam din nating lahat na paboritong targetin ng mga bagyo ang ating bansa lalo na kung malapit na ang pasko. Taon-taon ay laging ganyan ang situwasyon. Pero kulang pa rin ang ating paghahanda. Kulang na kulang tayo sa ‘vision’ bilang isang bansa. 

Noong 2013 inihain ng noo’y Senador Cayetano ang Emergency Response Department o ERD bill. Ito’y lumilikha ng isang department agency na tututok sa preparasyon, relief at rehabilatasyon sa panahon ng kalamidad upang mabawasan man lang ang pinsala na dulot ng mga kalamidad. Walang aksyon ang Senado.

Muling inihain ni Cayetano nang siya’y maging Representative ng Taguig-Pateros sa kamara ang ERD bill. Ito’y priority bill din ni Pres. Duterte na inihayag niya sa kanyang ikalawang State of the Nation Address. Lusot na sa kamara ang panukalang ito na ngayon ay tinatawag ng Department of Disaster Resilience (DDR) bill na produkto ng pinagsama-samang mga katulad na panukala ngunit hanggang ngayon, nakabinbin pa din ito sa senado. Bakit?

Kung naisabatas na ang panukala ng ito, hindi sana natin daranasin ang matindi at malupit na epekto ng mga kalamidad. Dapat maaga pa lang ay pinaghahandaan na ang mga ganitong problema. Huwag tayong masanay na lagi na lang tayo ‘reactive’ kapag may nangyayaring trahedya. Mas maganda pa din na pinaghahandaan natin ang mga sakuna na hindi natin alam kung kailan na naman kakatok sa ating bansa at sa ating mga buhay. ‘Vision’ ang mahalaga na isa-isip ng ating mga pinuno para hindi masyadong nalalagay sa balag ng alanganin ang buhay ng mamamayang Pilipino.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with