^

PSN Opinyon

Bakit talamak ang corruption sa DPWH?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa Mega Task Force laban sa corruption na binuo ni Presidente Duterte, karamihan sa mga sumbong ng kati­­walian na tinatanggap nito ay nagaganap sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Magmula pa naman noong araw, ang DPWH ay nahahanay na sa mga ahensya ng pamahalaan na nangu­nguna sa katiwalian, kasama ang mga tax collecting agen­cies ng pamahalaan. Open secret naman iyan dahil ang mga naturang ahensya ay matatawag na vulnerable sa katiwalian.

Halimbawa, ang DPWH ay may ponder para makontrol­ ang bidding ng mga kontrata at puwedeng papanalunin ang mga kontratista sa mga public works projects na maka­paghahatag ng mas malaking “padulas.” Sa kaso naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at mga ahensyang nakaugnay dito tulad ng Bureau of Customs, puwedeng maki­­pagkutsaba ang mga opisyal nito sa mga tiwaling negos­­yanteng nais mandaya sa babayarang buwis.

Iyan din ang kaso sa Bureau of Immigration na maa­aring magpapasok sa bansa ng mga banyagang kahina-hinala ang karakter sa tamang presyo. Pero Ayon kay Jus­tice­ Secretary Menardo Guevarra na namumuno sa Mega Task Force, karamihan sa natatanggap nilang sum­bong ay mula sa DPWH.

Hindi nangangahulugan na pinakatiwali ang DPWH. Kaso, sa mga kaduda-dudang transaksyon sa ahensyang ito, may mga kontratistang natatalo sa bidding na marahil­, sila ang nagrereklamo. Maaari rin na ang mga nagsu­sum­bong ay yaong nasa loob din ng ahensya na nalamangan sa partihan.

Matagal nang problema ang corruption at maging­ si Presidente Duterte ay aminadong nahihirapan siya sa pagsugpo nito. Pero hindi dapat tantanan ang lahat ng pagsisikap na puksain ang katiwalian dahil salapi ng taumbayan ang nalulustay dahil sa mga kawatan sa gobyerno.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with