^

PSN Opinyon

Kaalyado ni Velasco, maayos ang pondo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa nagtatagal sa puwesto si House Speaker Lord Allan Velasco ay umaalingasaw na ang hindi patas na hatian ng alokasyon sa infrastructure projects ng congressional district sa 2021 budget. Lumalabas na mga kaalyado lamang nito ang nabibigyan ng maayos na pondo at ang mga kadikit ng kapit-tukong dating speaker Alan Peter Cayetano ay nalubog.

Ito ang nasisilip ng ilang senador sa naipasang 2021 budget. Pinuna  ni Sen. Panfilo Lacson ang unfair na hatian ng alokasyon sa mga infrastructure budget ng mga kongresista kung saan tinukoy nito ang bilyun-bilyong pisong inilaan sa isang distrito sa Davao, Benguet, Albay at Abra habang sa ibang distrito ay ilang milyon lamang. Sa paghimay ng Senado sa proposed P4.5 trillion national budget, sinabi ni Lacson na kitang-kita ang malaking diperensiya sa laki ng budget sa ilang distrito habang kakarampot naman sa iba.

Inihalimbawa ni Lacson ang isang distrito sa Davao na may budget sa infrastructure na P15.351 bilyon; Albay, P7.5 bilyon; Benguet, P7.9 bilyon at Abra, P3.75 bilyon. Hindi tinukoy ni Lacson ang mga partikular na distrito subalit isa sa may hawak ng Distrito sa Davao ay si Presidential Son at Davao 1st District Rep. Paolo Duterte, sa 2nd District ng Albay ay si Joey Salceda, sa Abra ay si Lone Distrct Rep. Joseph Bernos habang caretaker naman sa Benguet si ACT CIS Partylist Rep. Eric Yap.

Habang naglalakihan ang ilang mga distrito, may kong­re­­sista naman na nakatanggap ng P42 million. “This is just to point out the disparity in the distribution of the budget. ‘Yun ang honor roll. Horror roll… I just want to point that out, bakit ganun ang disparity? What’s in those districts that would merit those appropriations?” sabi ni Lacson.

Sa laki ng budget na natanggap ng mga kongresista, sinabi ni Lacson na nasa “horror roll”, aminado ito na duda rin siya kung maipatutupad nga ang mga bilyong halaga ng infrastracture projects.  “The absorptive capaci­ty. Kasi kung sa isang district ‘yan babagsak, I cannot see how that particular engineering district could implement P15.351 billion of infrastructure projects,” giit ni Lacson.

Maging si Senate President Tito Sotto ay naalarma rin sa puna ni Lacson sa paghahati-hati ng alokasyon sa 2021  budget. “Usually kasi sa pinagdaanan kong mga budgets, yung mga districts, ‘di masyadong nagkakalayo ang amounts ng funding nila, especially sa DPWH. Bago sa akin ito na mayroong ilang district na saksakan ng lalaki ang amount,” sabi ni Sotto.

Matatandaan na sa House Speakership row kamakailan ay ginawang isyu kay dating House Speaker Cayetano ng mga kaalyado ni Marinduque Rep at ngayon ay House Speaker Velasco na sina Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves, 1 Pacman Partylist Rep, Mikee Romero at Oriental Mindoro Rep Doy Leachon ang hindi pantay-pantay na infrastructure allocation sa budget kung saan inakusahan ng mga ito si Cayetano na pinaboran ang ilang mga mambabatas.

Sa ilalim ng pamumuno ni Velasco naipasa sa Kamara ang 2021 budget. Tinangkang hingan ng reaksyon si Velasco ukol sa ibinunyag na “horror roll” appropriations ni Lacson subalit tikom ang bibig ng House Leadership sa isyu. Abangan!

vuukle comment

LORD ALLAN VELASCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with