^

PSN Opinyon

Sabong, puwede na sa MGCQ areas!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Magandang balita para sa mga kababayan kong adik sa sabong. Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magbukas ang sabong subalit kailangang gaganapin lamang ito sa mga lisensiyadong cockpits para kumita naman ang gobyerno.

Subalit iginiit nina Cabinet Sec. Karlo Nograles, IATF Co-chairperson at Defense Sec. Delfin Lorenzana, National Task Force chairperson, na puwede lang ang sabong sa areas na idineklarang modified general community quarantine (MGCQ) o kung saan mababa na ang mga Pinoy na may COVID. Siyempre, ang tagubilin nina Nograles at Lorenzana na dapat mahigpit ang pagpa-implement ng health protocols tulad ng social distancing, at pagsuot ng facemask at face shield at iba pa.

Kung sabagay, kasama itong health protocols sa mga suhestiyon ni FIGBA President Ricardo Palmares Jr. sa sulat n’ya sa IATF, di ba mga kosa? Good luck sa mga kosa kong sabungero. Dipugaaaa!

Sinabi naman nina Nograles at Lorenzana na maglalabas ng implementing guidelines si Interior Sec. Eduardo Año para giyahan ang mga cockpit owners ng tamang alituntunin bago magsimula ang kanilang derby. Binigyan din ng IATF ang local government units (LGUs) ng pa-ngunahing karapatan na magdesisyon kung ang cockpits o derby sa kanilang lugar ay bubuksan na.

Dapat lang magsaya ang mga sabungero at ang FIGBA ni Palmares sa desisyon na ito ng IATF dahil ilang nakaraang araw lang ay inanunsiyo ni Palace spokesman Harry Roque na bawal pa ang live at online sabong sa bansa sa panahon ng pandemya.

At dahil bumababa na ang bilang ng nadapuan ng sakit na COVID, binigyan na din ng basbas ng IATF ang sabong, hindi lang para kumita ang gobyerno, kundi pati na ang libo nilang empleyado at mga negosyanteng bilyones ang nalugi dahil sa lockdown. Dipugaaaa!

Kaya lang may mahigpit na tagubilin ang IATF na bawal pa ang in person audience o mga miron, online o remote betting, at ang live broadcasting o telecasting ng derby o sabong. Ang ibig bang sabihin ng IATF, BAWAL na ang online sabong? Dipugaaaa! Natauhan din ang gobyerno ni President Digong ah!

Dapat lang sigurong i-regulate ang operation ng online sabong para may pumasok naman sa kaban ng gobyerno ni President Digong at makatulong sa gastusin sa COVID. Tumpak! Abangan!

vuukle comment

AITF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with