^

PSN Opinyon

Kaso ni Barayuga, hamon kay Sec. Año!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Magsisilbing malaking hamon sa liderato ni Interior Sec. Eduardo Año ang paglutas sa pagpaslang sa mistah n’yang si Atty. Wesley Barayuga, na dating Board Se-cretary ng Philipine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Bilang Interior Secretary at chairman ng National Police Commission, halos hawak na ni Año sa leeg ang lahat ng kapulisan kaya magagamit niya ang mga magagaling na imbestigador para malutas ang kaso ni Barayuga. Sina Año at Barayuga ay miyembro ng Philippine Military Academy “Matikas” Class ‘83.

May mga report na si Barayuga ay nasa watchlist ni President Digong sa droga subalit hindi pa ito napapatunayan. Noong aktibo pa kasi sa PNP si Barayuga, na-assign siya sa Iloilo sa kasagsagan ng operation ng drug lord na si Melvin Odicta, at ikinabit na siya dito tulad ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog na lumayas sa bansa kasama ang pamilya. Dipugaaaa!

Iginiit naman ng mga kosa ko sa Iloilo na sina Barayuga at Odicta ay mahigpit na magkaaway ng panahon na ‘yun kaya hindi maaaring sangkot sa droga ang una. Kung sabagay, maging si Año ay nagsasabing “cleared” na ang mistah niya.

Sa kanyang pagretiro, kinuha ng isa pa n’yang mistah na si PCSO chairman Simeon Pinili noong Enero 2018 ang serbisyo ni Barayuga kung saan naging mabagsik siya sa mga STL operators na hindi tumatalima sa datos ng ahensiya ng gobyerno, anang mga kosa ko.

Si Barayuga ay inambus sa Mandaluyong City habang pauwi sa bahay. Hindi kaya naging biktima ng EJK itong si Barayuga? Malalaman ni Sec. Año ang kasagutan sa tanong na ito? Dipugaaaa!

Naglaan ng P1 milyon na reward money ang PMA Class ‘83 para sa bagong impormasyon na makatulong sa paglutas ng kaso ni Barayuga. Kaya kung may hawak kayong ebidensiya mga kosa, tumawag lang sa celfone Nos: 0921-654-0715 o 0967-315-5108 at tiyak magiging milyonaryo na kayo. Nagtayo ng Task Force Barayuga ang Mandaluyong police chief Col. Hector Grijaldo Jr. at sinabi niyang umuusad naman pataas ang imbestigasyon nila sa kaso. Abangan!

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with