^

PSN Opinyon

Miyembro ng PhilHealth Mafia, dapat bitayin!

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nakakadismaya! Sa panahong may pandemya at dumaragsa­ ang mga mahihirap na nangangailangan ng saklolong pangkalusugan, mababalitaan natin na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay naba­bangakarote dahil sa katiwalian. Masuwerte raw kung aabutin pa ng isang taon ang buhay ng ahen­syang ito.

Sa testimonya sa Senado ng isang nagbitiw na opis­yal ng PhilHealth, ibinunyag niya na “ibinulsa” ng ilang mga tiwaling opisyal ng ahensya ang halagang P15-bilyon dahil sa sandamakmak na tiwaling transaksyon. Ang pagbubunyag ay ginawa ni Thorsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer ng ahensya.

Ito ang dahilan, ani Keith kung bakit siya nagbitiw sa PhilHealth: Ang malawakang katiwalian sa ahensya dahil sa pag-iral ng isang sindikato o Mafia. “Nanini­wala po ako na ang perang winaldas at ninakaw ay humigit kumulang P15 billion” aniya sa kanyang sinum­paang pahayag sa Senado.

Ayon naman kay PhilHealth, acting senior vice pre­sident Nerissa Santiago malamang tuluyan nang mabangkarote ang PhilHealth sa susunod na taon dahil ang P221 bilyong nalalabing pondo nito ay baka ‘di na kayaning tugunan ang mga dumaraming pasyente ng tinamaan ng COVID-19.

Nasaan kaya ang budhi ng mga taong ito na sangkot­ sa PhilHealth Mafia? Salapi ng mga taumbayan ang kanilang winawaldas. Salaping inaasahan ng mga mang­gagawa na tutugon sa kanilang medical needs pag­dating ng panahong kakailanganin nila ito.

Pananagutan ng mga opisyal na ito kung maraming taong may sakit ang mamatay dahil hindi na natulungan ng PhilHealth. Iyan ay katumbas ng “mass murder” na dapat parusahan ng death penalty kung bubuhayin ang parusang ito.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with