^

PSN Opinyon

Kongreso ng mga matsing

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA zoo dinadagsa ang Monkey House. Nagkakamutan, nag­kukutuhan ng isa’t isa ang mga matsing. Ginagaya nila ang kilos ng mga tao, kung minsan nang-aagaw ng pagkain; sa huli nakakulong na hayop pa rin sila.

Ang House of Reps ay tila mga matsing. Sunod lang sa kumpas ng amo. Pag inutusan magpasa ng batas, agad approved without thinking.

Dalawang panukala ang ipinasa ng Monkey House ng Pili­pinas nang walang isip-isip. Una, in-exempt nila ang tele­­coms sa mga public utilities na dapat ay 60% na pag-aari ng Pilipino. Ibig sabihi’y maaari nang magmay-ari ang dayuhan ng 100% ng telecom utility. Pinanalo nu’ng 2018 ng gobyerno ang tambalang China Telecom ng bansang Komunista at Udenna ni Dennis Uy ng Davao para maging­ ika-tatlong telecom provider. Sa bagong batas, maaari na maging 100% ang China Telecom sa third telco. Labag ito sa 60:40 provision sa Konstitusyon. Imbalido dapat ang ipinasa ng mga matsing. Taumbayan lang sa isang plebisito, hindi botohan sa Kongreso, ang maaaring mag-amyenda ng Konstitusyon.

Ikalawa ang Anti-Terrorism Bill. Ipinauubaya ng Monkey House sa isang grupo ng presidential political appointees­ ang pagsabi kung sino ang mga terorista. Madali itong abu­suhin. Ang lehitimong Oposisyon at kahit sinong umangal na mamamayan ay maaaring ilistang terorista, at ikulong nang dalawang linggo na walang sakdal. Walang parusa sa mang-aabuso. Sa huli ang pang-aapi ay lalo magbu­bunsod ng terorismo.

Pagsamahin ang dalawang batas. Umangal ka kontra sa 100% kontrol ng China sa third telco -- at ikukulong ka habambuhay, walang parole, sa salang terorismo. Kung ayaw mo niyan, tumahimik ka.

Tumupad sa utos ang mga matsing sa Kongreso. Ginan­timpalaan sila ng amo ng saging. Sa Ingles ang tawag sa pulutong ng baka ay “herd”, ang ibon ay “flock”, ang isda ay “school”, ang aso ay “kennel”, ang pusa ay “litter” -- at, maniwala kayo o hindi, ang baboons ay “congress”.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

KONGRESO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with