^

PSN Opinyon

Pagbabagong-kulay ni Pres. Digong Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Mabuti ang pagbabago ng kulay kung ang kahulugan nito ay pagtalikod ng isang tao sa maling prinsipyo para yakapin ang tama. Si Presidente Duterte ay kilala sa kanyang pagiging maka-Kaliwa at pagsuporta sa ipinag­lalaban ng Communist Party of the Philippines. Noon pa mang siya ay Mayor lang ng Davao City, aminado siya na hindi man siya isang komunista, siya ay isang sosyalista. Inidolo niya noong siya ay estudyante pa si Jose Ma. Sison na dati niyang propesor sa Kolehiyo.

Akala marahil niya ay puwedeng makipagkasundo sa mga Komunista at makahati ang mga ito sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ngayong Presidente na siya ay napagtanto niya na maling-mali ang kanyang pinaniwalaan noon. Pawang nangabigo ang mga usapang pangkapa-yapaang inilusad ng pamahalaan sa mga Komunista na lagi na lang sumisira sa ceasefire na napagkakasunduan.

At lalong nakakakulo ng dugo ang ginagawang pananam­bang ng mga rebeldeng NPA sa mga tauhan ng pamahalaan na mamahagi lamang ng ayuda sa taum­bayan sa gitna ng lockdown dulot ng pandemya sa COVID-19. Ngayon, tahasan nang nag-alok ang Pangulo ng Php 2 milyon sa sino mang makakapatay o makapagtuturo sa matataas na leader ng New People’s Army (NPA).

Kahit pa ang makapagtuturo ay miyembro ng militar o sibilyan, ibibigay niya ang naturang pabuya at bibigyan pa ng karampatang proteksyon laban sa benggansa ng mga rebelde ang impormante.

Sana,  hindi lamang bugso ng damdamin ang sinabi ng Pangulo at totohanin niya ang kanyang binitiwang salita. Ilang ulit na kasing nagsabi ang Pangulo na ayaw na niya na magkaroon pa ng peace talks ang pamahalaan sa mga Komunista na lagi na lamang sumisira sa kasunduan. Pero sa kabila niyan, hindi pa rin talaga sumusuko ang pamahalaan sa ceasefire na ito.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with