^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi dapat sapilitan ang PhilHealth sa OFWs

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi dapat sapilitan ang PhilHealth sa OFWs

Mabuti at nanghimasok na si President Duterte sa usapin ng sapilitang paghuhulog ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Kung hindi nanghimasok ang Presidente, tiyak na kawawa na naman ang mga OFWs na hulog nang hulog ng premium sa PhilHealth pero hindi naman sigu­radong mapapakinabangan. Sino ba naman ang gustong magkasakit para lamang magamit ang pagiging miyembro ng PhilHealth. Ang nangyayari kasi, sa tuwing magbabakasyon ang OFWs obligado silang magbayad ng premium. At ang masakit pa, ayon sa mga OFW, hindi iisyuhan ng Overseas Workers Certificate mula sa OWWA kapag hindi nagbayad ng contributions sa PhilHealth.

Malinaw na talagang sapilitan at kinakawawa ang OFWs para maghulog sa PhilHealth. Paano kung paalis na ang OFWs at nasa airport na at hindi nakapagbayad ng PhilHealth, hindi siya pa­a­alisin? Maling-mali talaga na ipagpilitan sa OFWs ang pagbabayad ng PhilHealth. Dapat bo­luntaryo ang pagbabayad dito sapagkat marami sa mga OFWs ang kakarampot lang ang kinikita sa abroad. Ha­limbawa ay sa Saudi Arabia. Mayroong ang kinikita lamang doon ay 1,000 Saudi Riyals sa isang bu­wan, tapos magbabayad pa siya ng premium sa PhilHealth, ano pa ang matitira sa kanya. Marami nga sa OFWs ang kulang na kulang ang naipadadalang pera sa pamilya tapos makakaltasan pa ng para sa PhilHealth.

Marami rin sa mga OFW ang nagsabi na hindi na sila kailangan pang maghulog sa PhilHealth sapagkat mayroon na silang magandang health benefits sa kanilang pinagtatrabahuhang kompanya. Sinasagot umano ng employer nila ang pagpapaospital sakaling sila ay magkasakit. Hindi na umano dapat maging sapilitan ang PhilHealth.

Mabuti at nakialam na ang Presidente sa isyung ito na nagdulot ng problema sa mga overseas workers. Hindi na sapilitan ang pagbabayad ng PhilHealth at boluntaryo na lang. Matatahimik na marahil ang mga “bagong bayani”.

vuukle comment

OFW

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with