^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bawal nang mag-vape sa publikong lugar

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bawal nang mag-vape sa publikong lugar

BABALA sa mga magbi-vape sa publikong lugar huwag itong gagawin sapagkat aarestuhin kayo at pagmumultahin nang malaki. Nilagdaan ni Pre­sident Duterte ang Executive Order 106 na nagba­bawal mag-vape sa lahat nang public places. Naka­saad din sa EO 106 na mahigpit na pinagbabawal ang pag-manufacture, pamamahagi at pagbebenta ng unregistered vaping products. Bawal din ang mag­­­benta ng vape sa menor-de-edad.

Napakahalaga ng kautusan na ito. Maililigtas na ang marami sa pagkakasakit na dulot ng vape. Noong nakaraang taon pa ipinag-utos ng Presidente ang pag­babawal sa pag-import at paggamit ng vape o electronic cigarettes. Ang utos ay ginawa ilang araw ma­karaang mapabalita na isang 16-anyos na babae sa Cebu ang nagkasakit dahil sa paggamit ng vape. Ayon sa report, anim na buwan nang gumagamit ng vape ang biktima. Ang pangyayaring ito ang lalo nang nagpasidhi sa Department of Health (DOH) para hilingin na itigil ang paggamit ng e-cigarettes. Noong nakaraang taon pa naging maigting ang DOH para sa total ban ng e-cigarettes. Pero marami ang tumututol sa gusto ng DOH. Ilang mambabatas ang kumukontra sapagkat hindi raw makatwiran ang total ban na nais ng DOH. Ang dapat daw ay buwisan na lamang ang e-cigarettes kaysa ipatigil ito. Kikita raw ang pamahalaan sa buwis.

Sa United States, marami nang kaso ng pagka­kasakit dahil sa paggamit ng e-cigarettes. Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), naitala ang 2,172 kaso ng pagkasira ng baga at 42 na ang namatay dahil sa vaping. Ayon sa report, mabilis ang pagkakasakit ng mga indibidwal na gumamit ng vape at patuloy na iniimbestigahan ito. Ayon pa sa isang pag-aaral, sinisira ng e-cigarettes ang cardiovascular system. Mayroon umano itong nicotine, metal and flavorings na masama sa puso. Taliwas ito sa sinasabi ng mga manufacturer ng vape na walang nicotine.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi lamang ang gumagamit ng vape ang apek­tado kundi pati na rin ang mga nakalalanghap ng second hand smoke. Kumpara sa sigarilyo, mas matindi ang nakalalasong kemikal na nakahalo sa e-cigarettes.

Ang pag-uutos ng Presidente na nagbabawal sa pagbi-vape sa publikong lugar ay magandang hakbang pero mas maganda kung ipatigil na ito para ma­katiyak na ligtas ang mamamayan.

vuukle comment

VAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with