^

PSN Opinyon

Lalala sa 2020: Girian ng America at China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ELECTION year ang 2020 sa United States. Pipili sa Nobyembre ang mga Amerikano kung bibigyan ng isa pang termino si President Donald Trump o ipapasa ang White House sa Democratic Party. Bago nu’n igugugol ang mga buwan sa pakitang-gilas sa pulitika. At isa sa malaking isyung politika ang tunggalian ng America at China. Tiyak ipe-pressure ng Democrats si Trump na kumilos laban sa pang-aapi ng Beijing sa mga ethnic Uig­hurs sa Xinjiang. Caucasians at hindi dominanteng lahing Han ang mga katutubo, at Muslim karamihan. Mahigit dalawang milyon sa kanila ay ipinakulong ng mga hari-haring Komunista sa Beijing dahil sa hangad na lumaya muli mula sa pananakop simula dekada-1950.

Samantala, si Trump mismo ay galit sa mga negos­yanteng Chinese na karibal ng mga contributors sa kanyang Republican Party. Asahan na itutuloy niya ang panggigipit sa mga produktong China na papasok sa America, tulad ng kotse, mobile phones, at kagamitan sa bahay. Lilimitahan ni Trump ang dami at tataasan niya ang mga buwis nito. Ikakatwiran niya na kapag matalo sa kumpitensiya ang mga Amerikanong kompanya, mawawalan ng trabaho ang mga Amerikanong manggagawa. Hindi niya sasabihin siyempre, para iwas muk­hang-pera, na pinuprotektahan niya ang tubo sa negosyo ng mga kapitalistang maka-Republican.

Asahan na madadamay ang Pilipinas sa girian na ‘yan ng America at China. Magpapanggap ang ilan na independiyente ang kaisipan nila. Pero may mga labis na kikiling sa Beijing, at meron namang maka-Washington­. Manliligaw ang Kano na sa kanila bumili ng armas ang Pilipinas. Makikikumpetensiya ang China sa larangan ng riple at bala. Samantala, patuloy na manghihimasok ang China sa karagatan natin. Kokontra ang America para sa sariling interes ng kalakalan niya.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with