^

PSN Opinyon

D-day sa MaguindanaoMassacre ngayon

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

LAHAT ng tenga at mata ngayon ay nakatuon marahil sa nakatakdang promulgation sa Maguindanao Massacre na matapos ang sampung mahabang taon ay ha­ha­tulan na ang 197 na akusado. Sana, sana lang ay mag­karoon ng makatotohanang paghahatol hindi lang para sa mga biktima kundi para sa buong bansa dahil dito naka­salalay kung buhay pa nga ang hustisya sa bansa o patay na.

November 23, 2009 nang mangyari ang karumaldumal na Maguindanao massacre. Ngayon ang buong mundo ay pigil ang hiningang inaabangan ang hatol ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes ngayong araw na ito, Dec. 19, sa ganap na 9 a.m. sa Quezon City jail annex sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City. 

Marahil, ito na ang matatawag na most heinous at most celebrated mass media killings na naganap ‘di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Paano mo na­man mamaliitin ang pagpatay sa 58 katao na ang 32 rito ay mga mamamahayag na tumutupad lang sa tungkulin na makapagpahayag ng balita. Naganap ang political tra­gedy na ito sa Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampa­tuan, Maguindanao. Alam na ng marami ang istorya kaya hindi na natin idedetalyeng masyado sa kakulangan ng espasyo.

Ang hindi maunawaan ng marami ay kung bakit tumagal ng dekada ang paglilitis sa kaso sa kabila ng mga kapani-paniwalang testimonya ng mga saksi at iba pang ebidensya na direktang nagtuturo sa mga Ampa­tuan na nagplano at may kagagawan sa buktot na krimen.

Maghaharap ng certificate of candidacy ang political rival ni Ampatuan sa COMELEC kasama ang maraming kagawad ng media nang sila ay maramihang patayin at ilibing sa isang nakahandang hukay sa baka reng  lupa gamit ang isang backhoe. Ang mga naghaharing Ampatuan clan ang nangungunang suspects dahil ang kalaban nilang si ismael Mangunadatu ay katunggali sa eleksyon ni Andal Ampatuan Jr. na anak ng dating Governor Andal Ampatuan Sr. Nangangamba ang maraming  mga mamamayan na gumagamit pa rin ng kapangyarihan ng salapi ang mga Ampatuan hangga ngayon. Kung hindi, bakit nagkaroon ng mahabang pagkabinbin sa promulgasyon ng kaso?

Ngunit naniniwala ako na sa pagkakataon ito, ang Diyos na ang mamamagitan para mailantad ang buong katotohanan at maparusahan ang lahat ng mga kasangkot sa krimen ito.

vuukle comment

JOCELYN SOLIS-REYES

MAGUINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with