^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Earthquake drill idaos nang regular

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Earthquake drill idaos nang regular

KAILANGAN na ang madalas na pagdadaos ng earthquake drill hindi lamang sa Metro Manila kundi sa Mindanao man na tatlong beses nang nili­lindol. Malalakas ang tumamang lindol sa rehiyon at maraming residente ang nababahala. Itong pinakahuling lindol na may lakas na magnitude 6.9 ay matindi sapagkat naging dahilan ng kamatayan ng apat katao.

Tumama ang lindol sa Davao del Sur noong Linggo­ dakong alas dos ng hapon. Nakita ang epicenter ng lindol sa Matanao, Davao del Sur. Naramdaman din ang pagyanig sa mga bayan ng Magsaysay at Bansalan, Davao del Sur; Kidapawan City; Gen. Santos City; Cotabato City; Davao City at Sarangani. Maraming bahay, gusali at istruktura ang naguho. May mga kalsadang nabiyak at hindi madaanan. May nangyaring landslides. Isang batang babae ang namatay sa Matanao nang mabagsakan ng pader.

Noong Oktubre 16 tumama ang magnitude 6.3 sa Tulunan, M’lang, at Kidapawan, South Cotabato. Naramdaman din ang lindol sa Davao Region, Central Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region. Muling lumindol noong Oktubre 29 (magnitude 6.6) sa pareho ring lugar na ikinamatay ng 7 katao. Mas marami rin ang nawasak na gusali, school, nabiyak ang kalsada at nagkaroon ng landslide. Ayon sa Phi­volcs, ang gumalaw na fault noong Oktubre 16 ang gumalaw din noong Oktubre 29. Wala pang sinasabi ang PHIVOLCS kung ang nangyaring lindol noong Linggo ay kaugnay pa rin ng nangyaring lindol noong Oktubre.

Sa nangyaring lindol sa Davao del Sur, nakita sa mga kuha sa CCTV ang pagkataranta ng mga tao. Wala pa ring kahandaan sa pagtama ng lindol. Nalilimutan pa rin ang mga itinuturo sa drill gaya ng duck, cover and hold para makaiwas sa panganib gaya nang pagbagsak ng mga kisame, haligi at pagkabasag ng salamin. Karamihan ay hindi alam ang gagawin. Nakita rin na walang preparasyon sa pagtama ng lindol.

Ang nangyayaring ito ay paalala sa local govern­ment units (LGUs) na magdaos ng regular na earthquake drill sa kanilang nasasakupan para maihanda ang mga mamamayan sa pagtama ng lindol. Kung alam ng mga residente ang gagawin, makakaligtas­ sila sa kamatayan. Kailangang maging preparado­ para maiwasan ang pagpa-panic. Nararapat seryo­sohin ng mamamayan ang idaraos na drill.

vuukle comment

LINDOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with