^

PSN Opinyon

Paggiba sa mga simbolo ng katiwalian sa preso

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

UNANG tinarget ni bagong Bureau of Corrections chief Gerald Bantag ang mga ilegal na kubol sa loob ng National Penitentiary sa Muntinlupa. Simbolo ng katiwa­lian ang mga kubol. Konkreto at yero, itinayo ‘yon ng maya­yaman at maimpluwensiyang bilanggo sa hardin ng maximum security compound. Sunud-sunod na BuCor bosses, karamihan mga retiradong heneral, ang sinuhulan para pumayag.

Nilagyan ang mga kubol ng air-conditioners, TVs, ref-freezers, jacuzzi, Wi-Fi, CCTV cameras, at steel safes. Kinalaunan, off-limits na ‘yon sa mga guwardiya. “Hindi mapasok para sa regular na headcount ng mga bilanggo,” ani Maj. Alberto Tapiru, spokesman ni Bantag. “Pinagtataguan ng kontrabando.” Labag sa alituntunin ang mga kubol; dapat gibain.

Unang araw pa lang ng paggigiba, may sumabog sa kabilang compound ilang metro mula kay Bantag. Hindi matiyak kung aksidente o sadya ang putok. Pero napatunayan ang punto ni Bantag na imbakan ng bawal na kagamitan ang mga kubol. Ang sabog ay sa mga kubol ng mga sentensiyadong Islamist terrorists.

Nakumpiska nina Bantag ang dalawa pang kalawanging improvised explosive devices at dalawang granada. Sa mga unang gi­nibang kubol naman natagpuan ang mga patalim, pera, alahas, cell phones, at appliances.

Dahil sa paggiba ng mga kubol, dose-dosenang bi­langgo ang nawalan ng bubong. Dahil punumpuno na sa mga regu­lar na selda, napilitan sila matulog sa labas, ulanin man o arawin. Pero patuloy si Bantag sa paggigiba. Hindi siya natinag sa banta ng prison riot. Nagpasuporta siya sa mga pulis at sundalo.

Magsilbing mensahe ‘yon sa mga tao sa laya. Malamang sa hindi, ang kriminal ay sisimutin sa loob ng preso. At doon magdudusa siya.

Mahigit 47,000 ang bilanggo sa pitong penal colonies sa bansa. Sa Bilibid-Muntinlupa ay 27,000 na sila; 8,300 ang naka-maximum security. Ikakalat ni Bantag ang mga tiwali at may dynasty na mga guwardiya.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with