^

PSN Opinyon

Appointment kay Leni as drug czar, patibong?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

UNA, pakutyang inalok ni Presidente Duterte si VP Robredo na maging drug czar dahil sa walang puknat na pagbatikos ng huli sa kampanya ng administrasyon laban sa kampanya kontra droga. Naging kontrobersyal na usapin ito matapos tanggihan ni Robredo ang hamon.

Ngayon, naglabas na ng official appointment ang Pa­ngulo na nagtatalaga kay Robredo bilang co-chairman ng Inter-agency committee on Illegal Drugs (ICAD). Isa na lang ang katanungan: Pabor ba kayo sa pagtanggap ni Robredo sa appointment? Ano sa palagay ninyo?

May mga napapataas ang kilay at nagtatanong kung ito’y hakbang na sinsero, pagkutya kay Robredo o isang patibong, tulad ng iniisip ng mga kasamahan niya sa oposisyon.

Magugunita na sa simula ng termino ng Pangulo at ng Pangalawang Pangulo, si Robredo ay miyembro ng gabinete bilang Housing czar, Pero hindi nagtagal at umasim ang relasyon ng dalawa at siya ay sinabihan ng Pangulo na huwag nang dumalo sa mga cabinet meetings­.

Kung bumabatikos man si Robredo sa adminis­tras­yon­, bahagi ito ng pananagutan niya bilang fiscalizer dahil miyembro siya ng opposition. At Iyan ay bahagi ng ma­lusog na demokrasya upang mapigilan ang posibilidad na magkaroon ng pang-aabuso sa kapangyarihan. Sa tingin ko, walang masama kung magtutulungan ang dala­wang mataas na opisyal kahit hindi magkapartido. 

Madalas kasi, hindi napapansin ng nasa adminis­trasyon ang depekto ng ano mang desisyong nararating. Diyan kailangan ang oposisyon at ang ano mang pagpuna nito ay hindi dapat ituring na paninira ng liderato ng oposisyon.

Binabalaan ng ibang oposisyonista si Robredo na tanggihan ang appointment dahil malamang na ito raw ay isang ploy o patibong. Tinitiyak din ng PNP at PDEA na kung tatanggapin ni Robredo ang appointment, ibibigay ng dalawang ahensya ang kanilang lubos na suporta upang magtagumpay ang drug war. Sana lang, huwag nang maging balatsibuyas ang administrasyon at ikonsidera ang ano mang pagpuna ng oposisyon na oportunidad para maging mas maayos ang pamamalakad sa ating bansa.

vuukle comment

DRUG CZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with