^

PSN Opinyon

Sinong politiko ang susunod sa ginawa ni Isko?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PERSONAL na ibinigay ni Manila Mayor Isko ‘Moreno’ Doma­goso, sa PGH ang million of pesos donation kasama pa ang talent fees na kinita nito sa ginawa niyang pagmo-modelo.

Sabi nga, hindi gimmick ang donation blues, hindi drawing!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang sa PGH nagbigay si Isko ng million of pesos talent fee money na kinita nito kundi pati sa mga biktima ng lindol sa Mindanao ay nagpaabot din ito ng tulong.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahigit P30 million donation plus P1 million talent fee na bayad kay Isko ng isang brand ng damit ang ibinigay niya personal sa PGH.

Dumukot pa si Isko ng P5 million para ibigay ng kusang loob sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Nagpa-golf fund raising si Isko at ang kinita rito ay mahigit P24 million, dinagdagan pa niya ng mga ibinayad na talent fee sa kanya at ang mga salaping nalikom ay ipinamigay nito sa PGH at mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Naku ha!

Sinong politiko kaya ang gagawa nito?

Ika nga, may sumunod kaya kay Isko?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last month nagulat sila kay dating Manila Mayor Fred Lim, na kalaban sa politika ni Isko dahil iniendorso ng una ang huli na susunod na ‘PANGULO’ ng Philippines my Philippines.

Ika nga, may posibilidad ito dahil hindi biro ang mga ipinakikita ni Iskong trabaho at ang malasakit nito sa mga taga-Maynila at maging sa ibang lugar!

Naniniwala ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa sinabi ni Lim, tungkol kay Isko dahil hindi hula ang ipinagwagwagan ni Fred na “Isko for President”.

Sabi nga, may katotohanan ito!

Ano sa palagay ninyo? Abangan.

Parcel and Balikbayan Box Tracking System

NAGLUNSAD ang gobierno ng “tracking system”  para ma-monitor ng madlang people ang kanilang mga shipments na ipinadadala upang malaman ang iba’t ibang stages ng customs clearance, nang mas maaga sa inaasahang pagdagsa ng kanilang parcels sa panahon ng Kapaskuhan.

Inilunsad ng Bureau of Customs ang Parcel and Balikbayan Box Tracking System o PBTS.

Sabi nga, naa-access o nakikita ito sa BOC website www.customs.gov.ph. Ang sistema ng tracking system ay nagbibigay ng mga update sa parcel o balikbayan box para sa iba’t ibang stages ngayong nalalapit na Kapaskuhan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa PBTS o ang bagong sistemang ito ay mababawasan ang mga katiwalian o kawalanghiyaan ng mga gagong individual sa postal office. Ngayon ay puede nang mamonitor ang mga parcels na ipinadala at pinoproseso ng customs sa koreo.

Ano sa palagay ninyo?

Hindi na kaya magkalokohan sa postal office sa pagkuha ng mga pakete at packages dito from abroad? Abangan.

vuukle comment

ISKO DOMA­GOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with