^

PSN Opinyon

Laban ni Leni vs Marcos titindi lalo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA pananaw ni Senior Associate Justice Antonio Carpio, lalong mahihirapan si Vice President Leni Robredo laban sa protesta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pagkapanalo nito nung nakaraang Vice Presidential polls.

Si Carpio ay kabilang sa nagrekomenda na ibasura na ang petisyon ni Marcos na nagsasabing dinadala siya sa may tatlong lalawigan, pero sa muling pagbibilang ng Supreme Court na umaaktong Presidential Electoral Tribunal (PET) lalu pang tumaas ang lamang ni Robredo sa mga kinukuwestyong lalawigan. Gayunman, hindi pinaboran ng nakararaming mahistrado ang rekomendasyon ni Carpio.

Sa pagreretiro kamakailan ni SC Chief Justice Bersamin, magkakaroon sigurado ng pagbabago sa mga mahistrado na bubuo sa PET. Kaya ang konklusyon ni Carpio, tiyak na mahihirapan si Robredo sa pagtatanggol sa sarili sa harap ng protesta ni Marcos.

 “I think the court will also consider the implications of all of these if you allow a protestant [to go] outside of the pilot provinces, because that will prolong the election contest and that will change the rules,” Ani Carpio.

Tatlo pang bagong mahistrado ang hihirangin ni Pre-sident Rodrigo Duterte para palitan ang magreretiro na ring si Carpio at ang nagretiro nang si Chief Justice Lucas Bersamin. Pupunan din ng Pangulo ang babakante­hang puwesto ng bagong upang si Chief Justice Dios­dado Peralta.

Sana naman ay matapos na ang usapin upang ma­bigyan ng pinal na desisyon ng Korte ang petisyon ni Marcos.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with