^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kalbaryo ng LRT 2 commuters

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kalbaryo ng LRT 2 commuters

MAHIGIT 200,000 na pasahero ang umaasa sa Light Rail Transit 2 (LRT 2) at karamihan dito ay mga estudyante. Araw-araw nakasanayan­ na nilang mag-LRT mula Santolan, Quezon City hanggang Recto Avenue, sa Maynila. Pero nang masunog makaraang tamaan ng kidlat ang rectifier ng LRT 2 sa Katipunan Station noong Sabado, nagsimula na ang kalbaryo nang daang libong commuters. Hindi nila akalain na ganito ang kanilang sasapitin na sobrang hirap sumakay at halos makipagpalitan na sila ng mukha sa pakikipag-agawan sa dyipni at iba pang maaaring sakyan para makara­ting sa school o trabaho.

Sabi ng pamunuan ng LRT 2, matatagalan pa bago maibalik ang normal na operasyon sapagkat tatagal ng siyam na buwan ang pagkukumpuni sa nasirang bahagi ng riles. Bibilhin pa umano sa ibang bansa ang nasira o nasunog na bahagi ng riles. Noong Linggo, sinabi ng tagapagsalita ng LRT 2 na magkakaroon ng partial operation kinabukasan (Lunes) subalit naudlot ito. Kaya disma­yado ang libong commuters. Halos mapuno ng mga naghihintay na pasahero ang gilid ng Aurora Blvd. para lamang makasakay. Sabi ng LTFRB, ina­­tasan na nilang bumiyahe ang PUV Express at mga bus sa lugar. Pero kulang pa rin ang mga sasakyan kaya tambak ang mga pasahero. Sabi ng mga pasahero, hindi nila alam kung hanggang kailan ang kalbaryo na kanilang daranasin.

Ang nangyari sa LRT 2 ay dapat magbukas sa isipan ng pamahalaan para imodernisa ang mass transportation na gaya ng train. Masyadong atra­sado na ang kalagayan ng mga train sa bansa, kung ikukumpara sa mga kapitbahay na bansa. Nakakahiya na kung ikukumpara ang train ng Pilipinas sa Hong Kong, Japan, Thailand at iba pang bansa.

Bago ang pagkasira ng LRT 2, grabe rin ang kalbaryong dinaranas ng mga pasahero ng MRT 3 na dispalinghado rin. Tumitirik din ang MRT 3 at walang magawa ang commuters kundi bumaba at maglakad na lang.

Panahon na para buhusan ng pamahalaan ang pag-i-invest sa modernong train para naman ma­ibsan ang kalbaryong dinaranas ng daang libong commuters.

vuukle comment

LIGHT RAIL TRANSIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with