^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Trapik pa more

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Trapik pa more

NOONG Sabado, dumanas na naman ng grabeng trapik ang mga taga-Metro Manila. Tukod uli ang EDSA at walang galawan mula Kamuning hanggang Cubao at mula Ortigas hanggang Guadalupe. Trapik din ang naranasan sa Aurora Blvd., Commonwealth, Mindanao at Quezon Avenues, Quezon City. Hindi rin gumagalaw ang mga sasakyan sa Balintawak at A. Bonifacio sa QC pa rin. Grabe rin ang trapik sa España, Legarda at Taft Avenue sa Maynila.

Hindi pa nagsa-shopping ang mga tao para sa Pasko pero grabe na ang nararanasang trapik. Sa ganitong sitwasyon, malabo nang matupad ang pa­ngako ni President Duterte na limang minutong travel time mula Cubao, Quezon City hanggang Ayala­ Ave­nue, Makati City via EDSA. Sa kasalukuyan, dalawa hanggang tatlong oras ang biyahe sa EDSA.

Maraming ginagawang paraan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at kinatulong pa ang Highway Patrol Group (HPG) para maisaayos ang trapiko subalit walang pagbabago. Kalbaryo ang trapik na araw-araw nararanasan ng mga empleyado at estudyante sa EDSA. Kahit pa inalis na ang mga obstruction sa mga kalsada, matrapik pa rin at tila wala na ngang solusyon dito.

Hindi lamang ang trapik sa EDSA ang inirereklamo ngayon ng mamamayan kundi pati na rin ang trapik sa South Luzon Expressway (SLEX) na umaabot sa tatlo hanggang apat na oras. Gapang pagong ang mga sasakyan papasok ng Metro Manila sapagkat isinara ang Skyway sa Alabang dahil sa ginagawang extension. Dahil sa rami ng mga sasakyang pa-north bound, umabot na hanggang Sta. Rosa Exit ang pila ng mga sasakyan. Ang mga papasok sa trabaho ng 8:00 a.m., nakakarating sa Makati ng 11:00 a.m. at ang iba, 12:00 ng tanghali.

Ayon sa pamunuan ng Skyway, sa Disyembre 2020 pa matatapos ang isinasagawang extension. Humihingi sila ng paumanhin sa publiko. Kapag natapos naman umano ang proyekto, lahat ay maki­kinabang at maginhawa na ang paglalakbay.

Sana, bilisan ang pagtapos sa mga proyekto para mapakinabangan. Ang NLEX-SLEX connector ang inaasahang solusyon sa grabeng trapik. Mada­liin ito. Itigil din naman ang mga road re-blocking sa EDSA at iba pang malalaking kalsada.

vuukle comment

TRAFFIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with