^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tipirin ang tubig

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tipirin  ang tubig

HINDI pa tapos ang krisis sa tubig kaya nararapat tipirin ang paggamit nito. Huwag ding aksayahin upang humaba pa ang natitira sa dam. Ito ang paalala ng mga opisyal ng National Water Resources Board (NWRB). Ganito rin ang panawagan ng dalawang water concessionaires – Maynilad at Manila Water. Ito ay kasunod nang pagbaba na naman ng water level sa Angat Dam na pinagkukunan ng tubig na sinusuplay sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya. Umabot na sa sobrang kritikal na level ang tubig sa Angat at kung hindi magtitipid sa paggamit, maaaring maubusan na.

Ayon sa report, noong Biyernes ay umabot na sa 159.69 ang level ng tubig sa Angat --- sobra na ito sa critical level. Dahil dito nabawasan na naman ang daily water allocation para sa Metro Manila concessionaires. Ipagpapatuloy naman ng Maynilad at Manila Water ang pagpapatupad ng water interruptions sa customers.

Kahit na umulan noong mga nakaraang linggo, hindi rin ito nakasapat at bahagya lang ang naidagdag na tubig sa Angat. Sabi ng PAGASA, maaaring sa Setyembre pa maibabalik ang dating dami ng tubig sa dam. May dalawa o tatlong bagyo umano ang dadalaw sa bansa ngayong buwan at maaaring ito ang kasagutan sa natutuyong dam. Isang low pressure ang namataan sa Mindanao kamakalawa at posible umanong maging bagyo at papasok sa bansa sa Lunes o Martes.

Kahit may namumuong bagyo, nararapat nang magsagawa ng cloud seeding ang NWRB sa tapat ng Angat Dam para madagdagan ang tubig. Kailangan na ito para hindi na umabot pa sa malalang problema ang sitwasyon.

Magtipid sa paggamit ng tubig at pangunahan ito ng pamahalaan. Maraming tanggapan ng gobyerno ang bulagsak sa paggamit ng tubig at sila ang dapat kastiguhin. Mag-inspeksiyon naman ang Maynilad at Manila Water sa Metro Manila at maaaring may mga leak sa kalsada. Hindi makatwiran na pinagtitipid sa paggamit ang mamamayan subalit marami naman palang butas ang mga tubo at tumatagas ang tubig. Siguruhin na walang nasasayang para maipatupad ang makatotohanang pagtitipid sa panahong ito.

vuukle comment

MANILA WATER

NATIONAL WATER RESOURCES BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with