^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Naglaho na ang lider ng Kapa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Naglaho na ang  lider ng Kapa

WALA nang balita kung nasaan na si Pastor Joel Apolinario, ang nagtatag ng Kapa Community Ministry International Inc., na kamakailan ay minura ni Pres. Rodrigo Duterte dahil sa ginagawa nitong investment scam. Pagkaraang murahin, ipi­nag-utos niyang isara ang lahat ng tanggapan ng Kapa. Maraming tanggapan ng Kapa sa Mindanao at Visayas at maging sa Metro Manila ang sinala­kay ng National Bureau of Investigation (NBI) at isinara. Pero ang nakapagtataka, tatlong linggo na ang nakalilipas mula nang mabuking ang scam ng Kapa, hindi pa naaaresto si Apolinario. Nasaan na ang taong ito na ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC) ay nakapanloko ng P50 bilyon sa mga miyembro.

Nang ipasara ni Duterte ang Kapa, maraming miyembro ang nagmakaawa na buksan ito dahil nakatulong daw sa kanila nang malaki. Gumanda raw ang buhay nila. Pero hindi natinag ang Presidente. Investment scam ang Kapa kaya dapat ipasara. Kalokohan daw ang 30 percent na interest. Ti­nalo pa ang banko 3 percent lang ang interest per annum. Large scale estafa ang ikakaso kay Apolinario at mga miyembro at no bail ito.

Ayon pa sa SEC, nakarehistro ang Kapa na isang religious organization pero taliwas ang mga ginagawa sapagkat sa investment scheme luminya. Ba­wat miyembro umano ay kailangang mag-invest ng P5,000 hanggang P1-million. Pinapangakuan ng buwan-buwang “blessing” na katumbas ng 30 percent. Dahil sa mataas na interest, karamihan sa mga miyembro ay nagsasangla ng lupa, nagbebenta ng alagang hayop at iba pa. Maging ang mga OFW sa Saudi Arabia ay nahikayat din na mag-invest dahil sa malaking “blessing”.

Ang nakapagtataka, sa kabila na naipasara na ang mga tanggapan ng Kapa, hindi naman madakip ang leader nito at mga miyembro para managot sa kasong isinampa ng SEC. Bakit napakadulas ng leader ng Kapa at natatakasan ang NBI at PNP? Napakahusay magtago ng taong ito.

Nararapat maaresto si Apolinario at nang ma­ibalik ang perang ini-invest ng mga miyembro. Pinaghirapan nilang kitain ang pera at nagbenta pa ng ari-arian dahil sa pangakong malaking interest at ngayo’y nanganganib na matunaw. Nararapat bantayan si Apolinario at baka nakalipad na palabas ng bansa. Posible ito sapagkat bilyong piso ang nakolekta niya sa mga kawawang miyembro.

vuukle comment

INVESTMENT SCAM

KAPA COMMUNITY MINISTRY INTERNATIONAL INC.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with