^

PSN Opinyon

Sana si Alan Peter ang maging Speaker

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa man Senador si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano­ ay kilala ko na siya. Madalas ko siyang nakakasama noon sa mga Christian gatherings at matibay ang paninindigan niya sa mga prinsipyong Kristiyano.

Ngunit hindi lang iyan ang dahilan kung bakit wish ko lang na siya ang mahalal na bagong House Speaker. Iisa-isahin ko ang dahilan: Sa karanasan, galing, talino at iba pang kwalipikasyon, walang dudang taglay ni Cayetano ang mga katangiang iyan.

Sa maraming okasyon, napatunayan ni Cayetano na kaya niyang gawin ang dapat gawin tulad na lang ng pag­kapanalo ni PRRD sa Taguig noong 2016 at ang pa­ma­mayagpag ng mga kandidatong senador ng hugpong sa top 12 sa Taguig noong Mayo.

Bukod diyan ay ipinagtanggol niya sa buong mundo si Pangulong Digong sa giyera nito kontra droga, isyu ng human rights at iba pang usapin kaya pati siya ay kina­suhan kasama ang Pangulo ni Atty. Jude Sabio sa International Courts.

Buong tapang din nitong nilabanan ang mga makapangyarihan sa pagbubunyag at pag-iimbestiga ng senado maging noong siya ay kongresista pa, sa mga katiwalian. Isinulong niya ang good governance at anti-corruption sa kanyang paninilbihan. Naging konsehal, Vice Mayor at 3-termer congressman kaya sanay at pamilyar si Caye­tano sa kalakaran ng lokal na pulitika. 

Dalawang beses na siyang naging Senador kaya na­iin­tindihan niya ang kalakaran ng national politics at kaya niyang itulay ang kamara at senado sa isa’t-isa gayundin ang lehislatura sa ehekutibo. Bukod dito, kayang-kaya niyang katawanin ang Kamara at Pilipinas sa international arena dahil sa kanyang karanasan bilang Foreign Affairs secretary.

Sa madaling sabi, si Cayetano ay kwalipikado, may magandang track record, at kakayahan na pamunuan ang kamara. Hindi tayo lugi kung tulad niya ang hihiranging Speaker ng Kamara de Representante.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO­

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with