^

PSN Opinyon

Ingat sa wolves in sheep clothings

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PINABULAANAN ni Senador Antonio Trillanes ang alegas­yon ng bayarang character assassin na si Alias Bikoy na ang Senador ang utak sa nag-viral na “Ang totoong narco-list video” na nagdadawit sa pamilya Duterte sa drug syndicate. 

Ani Trillanes, totoong nakipagkita si Bikoy sa kanya pero para magboluntaryo ng impormasyon sa droga kasabay ang paghingi ng tulong porke papatayin daw siya ng sindikato. Ayon kay Trillanes, hindi niya kinagat ang pahayag ni Bikoy.

Aral ito sa mga magigiting na lawmakers na huwag basta-basta kakagat sa mga lumalapit sa inyo para humi­ngi ng tulong o magbigay ng impormasyon. Minsan Kasi, mukhang convincing ang isang source at siyempre­ magandang laman ito para sa privilege speech ng mam­babatas. Pero maraming may personal at unwholesome agenda na iba ang intensyon na kung minsan ay para siraan pa ang Senador na dinudulugan nila.

Nagulat ang marami nang bumaliktad si Bikoy at pabulaanan ang sarili at sabihing ang ginawa niya ay katha ng oposisyon sa kanilang planong Oplan Sodoma na ang layunin ay ibagsak si Presidente Duterte at iupo si Leni Robredo. Paano pa paniniwalaan ang ungas na ito? Isa siyang bayarang character assassin na papanig sa sino mang makapagbabayad ng malaki. Makabubuting ikulong na lang ang taong ito para hindi na makapaghasik ng pagkakahati at ligalig. 

Ginugulo niya ang utak ng mga Pilipino. Siguro sasa­bihin­ ng mga kakampi ng oposisyon na talagang pakana ito ng administrasyon na gumagamit ng reversed psycho­logy para manira. Sasabihin naman ng mga kakampi  ng administrasyon na pumuntos sila at napatunayang totoo ang destabilization plot laban kay Duterte. 

Labis nang watak-watak ang lipunan at ang mga tao, at lalo pang nagdudulot ng political division ang mga walang katotohanan pahayag ng isang katulad ni Bikoy. Siya ay mistulang mga terorista na dapat kondenahin at ikalaboso para hindi na makapaghasik ng lagim.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

SHEEP CLOTHINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with