^

PSN Opinyon

‘Di-mapigilang pagtaas ng presyo ng mga bilihin

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NAKALULUNGKOT ang report ng World Health Organi­zation (WHO) na hindi kayang pigilan ang pagtaas ng presyo ng gamot sa buong mundo. Malaking epekto rito sa ating bansa dahil hindi rin mapigilan ang patuloy na pag-usbong ng mga nagkakasakit. Meron akong mga kakilala na nagmi-maintenance na ng gamot at hirap na rin silang bumili dahil sa kapos sa pera. Ang sakit ay walang pinipiling tao kapag kulang tayo ng pag-aalaga sa sarili ay asahan na magkakasakit.

Sunud-sunod na dagok ang nararanasan natin dahil sumunod din sa pagtaas ang gasolina at mga bayarin sa kur­yente at tubig. Asahan na natin na kapag ang gasolina ang tumaas pati pagkain ay tataas din. Kunsabagay, ang langis natin ay galing sa ibang bansa kaya hindi permanente ang presyo. Kung sana may sarili tayong pinagkukunan ay hindi sana natin daranasin ang ganitong sitwasyon. Para sa akin nakasalalay sa ating sarili kung paano tayo makakatipid halimbawa sa gasolina iwasan nalang natin ang malayong biyahe, ang perang matitipid sa gas ay puwedeng pantapal sa ibang panga­ngailangan sa tahanan.

Ang nasapol dito sa sitwasyon natin ay ang kaba­ba­yan nating mahihirap. Bakit kanyo? Siyempre sa kati­ting na kita ay walang maitatabing pera. Kahit ang mga magsasaka ay kalbaryo rin dahil tuyot ang kanilang mga pananim, nasa kalagitnaan pa lamang tayo ng tag-init.

Ang tamang paraan ngayon ay ingatan ang ating sa­rili upang ‘di magkasakit. Lalo na ngayong uso ang heat stroke kung saan nakamamatay ang sakit. May mga programa nga ang gobyerno tulad ng universal health at Philhealth pero may mga gamot tayong dapat bilhin at hindi naman lahat ng konsumo ay libre sa ospital. Kaya sa ating mga kamay nakasalalay ang kaligtasan ng sarili.

vuukle comment

WORLD HEALTH ORGANI­ZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with