^

PSN Opinyon

Tinodas dahil sa mana

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

ISANG traysikel drayber din daw ang nakasaksi sa pang­yayari. Si Moy na tauhan nina Dante at Natividad. Nari­nig daw niya ang pagsigaw ni Natividad at nang pumasok siya sa loob ng bahay ay nakuha niyang hawakan at kaladkarin palabas ng bahay si Migs. Pero nakuhang makawala ng binata at bumalik sa kuwarto para ipagpa­tuloy ang pagsaksak kay Dante. Nang masigurong patay na ang tiyuhin ay si Moy naman sana ang pinagbalingan nito ng galit kaya napatakbo siya palabas at nasalubong si Kiko. Nagmakaawa siya kay Kiko na patigilin si Migs pero siya pa ang sinunggaban ng lalaki sa leeg. Nagpumiglas siya at nakuhang makatakas. Dumiretso siya sa presinto at isinumbong sa mga pulis ang nangyari.

Tumestigo rin ang pulis na nagpunta sa pinangya­rihan ng insidente at ang doktor na gumawa ng awtopsiya ng bangkay ni Dante na nagpaliwanag naman tungkol sa naging sanhi ng pagkamatay nito.

Sa kabilang banda, ang palusot naman ni Migs ay si Dante raw ang pumunta sa kanyang tindahan at hina­mon siya na lumabas. Naglabas daw ng kutsilyo si Dante na inunday sa kanya. Natamaan daw siya nito sa tuhod kaya agad na pumasok sa loob ng kusina at nakadam­pot ng kutsilyo na ginamit niya sa pagsaksak kay Dante kaya namatay ang biktima.

Napatunayan ng hukuman na walang pasubaling nagkasala si Migs sa krimen ng murder at hinatulan ng reclusion perpetua o halos habang buhay na pagkabilanggo. Pinagbayad din si Migs ng danyos na P225,000 sa mga naulila ni Dante. Ayon daw sa lahat ng ebidensiyang inihain, nagulat ang biktima sa pangyayari at hindi nakuhang makapanlaban dahil ang ginamit na paraan ng pag-atake ni Migs ay gayon na lang para masigurong magagawa niya ang maitim na balak na walang anumang panganib sa kanyang sarili. Kahit sabihin pa na nakasigaw si Natividad at nakuhang balaan ang biktima para isarado niya ang pinto ng kuwarto ay hindi ibig sabihin na walang kataksilang sangkot. Nakakagulat at wala sa hinagap ng biktima ang nangyaring pag-atake sa loob mismo ng kanyang bahay. Hindi siya armado at wala siyang pagkakataon na ipagtanggol ang sarili. Matanda na rin siya at 71-anyos kaya wala siya sa posisyon na kumilos ng mabilis at pigilan ang pag-atake. Sangkatutak na sugat mula sa pananaksak sa harap at likod ang tinamo ng biktima base sa autopsy report.

Hindi rin kapani-paniwala ang bersyon ni Migs na naganap daw ang pananaksak sa labas ng bahay. Walang tumestigo pabor sa kanya. Hindi tulad ng testimonya ni Natividad, Moy at ng mismong pulis na nakakita sa bangkay ni Dante sa loob ng kuwarto ng bahay nang magsagawa ng imbestigasyon.

Nang umapela si Migs sa Court of Appeals at pagkatapos ay sa Supreme Court ay parehong kinatigan ng dalawa ang hatol ng mababang hukuman na walang pag-aalinlangan na nagkasala si Migs sa krimen ng murder at nakabigat dito na sa loob ng bahay ng biktima at sa tanda niyang iyon ay hindi man lang siya iginalang at nagawa pa ang krimen. Iyon nga lang ay naging mitigating circumstance din ang kusa niyang pagsuko sa barangay. Kaya ang naging hatol  kay Migs ay reclusion perpetua at ang danyos ay binago at ginawa pa na P350,000.

Ayon sa CA at SC, ang pag-aaral ng mababang hukuman sa mga detalye ng krimen, sa kredibilidad ng biktima pati ang bigat ng kanilang testimonya ay sapat para magkaroon ng konklusyon na ginawa ng akusado ang pagpapatay. Dapat na bigyan nila ng pinakamataas na respeto o pagkilala ang nasabing pag-aaral, hindi kamukha nilang appellate courts na limitado lang sa rekord ang pag-aaral ng kaso (People vs. Soriano, G.R. 216063, June 5, 2017).     

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with