^

PSN Opinyon

Mga kontratistang taxi driver

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

TUWING Martes ako’y may dinadaluhang breakfast meeting sa EDSA Shangrila sa Mandaluyong City at tinawag namin itong Tuesday Club. Mula EDSA hanggang Starmall sa Muntinlupa ay sumasakay ako ng P2P bus at sa nasabing mall pauwi sa amin sa BF ay sumasakay ako ng taxi. Dito na ako nakakaingkuwentro ng mga balasubas na taxi drivers. Kung hindi isnabero at mga kontratista.

Dahil nga sa ako’y senior citizen na tinutulungan ako ng mga security guard ng nasabing mall mag-abang ng taxi. Meron mga nakapilang taxi pero ayon sa mga security guard ay mga kontratista ang mga ito. Sinubukan kong kausapin ang driver ay ayon sa kanya ay hindi na kailangang gamitin ang metro at pag-uusapan na lang daw ang pamasahe. Ako ay hindi suwapang na tao, parehas akong lumaban bastat maayos ang serbisyo ay maganda akong magbigay ng tip para sa kanilang extra kita.

Akala ko ba naayos na ng LTFRB ang ganitong klaseng kalakaran ng mga taxi driver. Hindi ko sila nilalahat dahil marami pa sa kanila ang maayos magbigay ng serbisyo pero dahil nga sa aking nagiging karanasan tuwing akoy mapapasakay ng taxi kaya ko naisulat ito. Itong mga gagong taxi drivers na isnabero at kontratista sa pasahero ay walang pinagkaiba sa mga kotong cops at holdaper magkakaiba nga lang ng pamamaraan sa pagnanakaw.

Huli na nang maisip kong kunan ng litrato ang plate number ng mga taxing isnabero at kontratista. Akala ba nila maganda ang manloko sa kapwa nila. Hindi lang pasahero ang ninanakawan nila kundi naloloko rin nila ang operator nila. Nakakaawa namang ipakulong ang mga ito kaya dapat may mga nagmo-monitor na ahensiya ng gobyerno upang masawata ang ganitong kalakaran ng mga taxi driver.

vuukle comment

TAXI DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with