^

PSN Opinyon

Tulong ni Joy Belmonte sa mga nasunugan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

TANGGAL na sa Philippine National Police (PNP) ang 441 pulis na tinaguriang “narco-cops”. Ayon kay PNP spokes­man Col. Bernard Banac, ang bilang na ito ay mula pa noong umupo si President Rodrigo Duterte noong 2016 hanggang sa kasalukuyan.

Malinaw na tuluy-tuloy ang internal cleansing ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde. Maganda ang layunin ni Albayalde­ na malinis sa mga “anay” ang PNP. Naibigay na sa kanila ang mataas na suweldo kaya dapat lamang na tumbasan nila ng tamang serbisyo sa bayan.

Sa record ng PNP, ang 322 pulis na tinanggal ay yung mga gumagamit ng shabu, marijuana at iba pang uri ng droga. Habang ang 119 naman ay tinanggal sa serbisyo matapos masangkot ang mga ito sa pagbebenta ng droga, nagri-recycle ng mga nakukumpiskang shabu at protektor ng sindikato at pushers.

Walang sinasanto si Albayalde dahil oras na matimbog ang isang pulis sa droga tiyak na may kalalagyan na ang mga ito, siguradong lusaw na ang kanilang kinabukasan. Nawa’y magsilbing babala na ito sa iba pang pulis na lumilinya sa droga. Magbago na kayo dahil ang mata ngayon ng taumbayan ay nakatuon na sa inyong pang-araw-araw na gawain.

May kahilingan ang ilang kababayan kay Albayalde, at ito ay ma-lifestyle check ang ilang bundat na pulis. Malaki ang hinala nila na may mga pulis pa rin nagtatamasa ng “fruit of the crime” o mga grasya mula sa mga nahu­huli nilang sangkot sa droga. Maging regular sana ang inspection sa lahat ng mga departamento ng pulisya at i-check ang mga blotter upang masigurong di nakalulusot ang mga “anay” na pulis na ginagatasan ang nahuli nilang pushers at users.

Hindi lang droga ang pinagkakakitaan ng mga tiwaling pulis. Nandyan ang protector sa mga illegal bookies ng horse racing, nanghaharabas sa illegal vendors dahilan para limpak-limpak na pera ang naibubulsa nila.

Samantala, namahagi ng tulong si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa mga nasunugan sa Bgy. Damayang Lagi. Kalunus-lunos ang sinapit ng 750 pamilya. Mabuti na lang at may isang Joy Belmonte na handang tumulong. Bukod kasi sa pamamahagi ni Joy ng mga grocery items, banig, kumot at iba pa, pinulong pa niya ang barangay officials upang pangasiwaan ang seguridad at ilang pangangailangan ng mga biktima.

Pinayuhan din ni Joy ang mga residente ng Quezon City na mag-ingat sa sunog. Maging handa sa anumang oras sapagkat maaaring magkaroon ng sunog dahil sa sobrang init ng panahon. Maging alerto ang bawat isa sapagkat usung-uso ang sunog. Mag-ingat po lagi.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with