^

PSN Opinyon

Iwas pusoy ang Hugpong sa debate?

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

ANG hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay wala pang maliwanag na sagot ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Hugpong Pagbabago na pina­mumunuan ni Davao City Mayor Sara Duterte. Mas pinagkakaabalahan nila ang dumayo sa mga probinsiya at magpakilala sa tao ng pansariling pamamaraan. Kung totoo ang layunin n’yo sa bayan huwag atrasan ang hamong debate ninuman.

Ako’y humahanga sa mga kandidato ng Otso Diretso. Alam kong tagilid ang ibang miyembro sa karera pero pilit pa rin nilang ipinaparating sa mga tao ang kanilang magandang layuning maglingkod ng tapat sa tao. Ang iba kasing kumakandidato ay nadadala lang sa popularidad pero ampaw naman ang laman ng ulo. Meron pang siga-siga kunwari pagnanalo ay kayang ipagtanggol ang South China Sea. Sa tingin ko hindi ang mga kandi­datong ‘yan ang kailangan natin kundi yung masasabing may utak at mga disente. Hindi puro yabang ang lumalabas sa bibig nila.

Para sa akin karuwagan ang tawag sa mga kandidatong ayaw sa debate. Para sa aming mga botante ka­ilangan n’yong makipagtagisan ng kuro-kuro sa bawat isa saka kami mamimili ng aming iboboto kumbaga kaming­ mga botante ang inyong mga tatayong hurado. Kung tutuusin mas kailangan ng mga tumatakbo sa ilalim ng Hugpong dahil karamihan sa kanila ay dawit sa iba’t ibang anomalya. Ito na ang pagkakataong ipaliwanang sa taum­bayan na hindi totoo ang mga akusasyon sa kanila.

Umaasa ako na sanay matutuloy ang inaasam nating lahat na debate ng mga kandidato upang sa gayon ay masuri nating mabuti ang mga iboboto. Dito nila ipa­kita ang kanilang mga angas sa pakikipagtalaktakan sa mga kapwa kandidato. Hindi puro kayabangan ang paii­ralin at dito n’yo sabihin sa mga botante kung karapat-dapat ba  kayong iluklok sa puwesto.

vuukle comment

HUGPONG PAGBABAGO

OTSO DIRETSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with