^

PSN Opinyon

Agrabyado

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NANINDAK na nga. Ayon kay Presidential Spokesman­ Salvador Panelo, sinabihan daw siya ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua sa isang kainan na kapag ipina­balik ng Pilipinas ang mga Chinese na iligal na nagtatrabaho sa Pilipinas nang basta-basta, gagawin din daw nila sa mga Pilipinong OFW sa China. Ayon kay Pre­sident Duterte, may 300,000 OFWs sa China. Kaya nagpahayag na pabayaan na lang ang mga Chinese na magtrabaho­ rito, dahil baka bawian tayo ng China. Hindi ito tinanggap nang maraming sector, at nagpahayag pa ang Palasyo­ na haharap sa mga batas natin ang mga iligal na trabahador.

Kung lumalabag nga sa mga batas hinggil sa imigrasyon, kung iligal na nagtatrabaho sa Pilipinas, hindi ba tama lang na mahuli at ipabalik sa China? Ang sinasabi ba ng Presidente ay pabayaan na lang, kahit iligal? At ang 300,000 Pilipino na umano’y nasa China ay mga iligal din nagtatrabaho, o ligal sila? Kung magpabalik tayo ng mga iligal na trabahador ay babawi ang China sa mga ligal na trabahador?

Nagbabala nga si Neri Colmenares, dating mambabatas, sa umano’y kontrata na magpapabigat lamang sa bansa. Ang tinutukoy ay ang Chico River Pump Irrigation Project kung saan magpapahiram ng higit P3 bilyon ang banko sa China. Nakasaad din umano sa kontrata na kompanya mula China ang gagawa ng proyekto, na siguradong mga trabahador mula China ang kukunin. Ni hindi nga dumaan sa bidding kung sino ang gagawa, na bawal sa batas natin. May ilang kundisyon din umano sa kontrata na kailangang may porsiyento ng utang na kailangang mabayaran sa mataas na interes kumpara sa pautang ng ibang bansa tulad ng Japan.

Matagal nang nagbabala ang marami hinggil sa pa­utang ng China. Wala namang argumento na may benepisyo ang mga proyekto sa tao. Ang problema lang ay may kundisyon hinggil sa pagbayad na sa China. At malinaw na maaaring agrabyado ang bansa sa mga pautang na iyan. Hindi rin maganda ang paninindak ng China na babawian ang mga OFW kung sakaling ipabalik basta-basta ang mga iligal na trabahador mula China. Akala ko ba kaibigan na kaibigan na ang China? O kaibigan lang basta’t sila ang nakikinabang, sila lang ang lamang?  

vuukle comment

SALVADOR PANELO

ZHAO JIANHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with