^

PSN Opinyon

Balasubas na Ilocos Norte mayor, pinabayaan ang mga tauhan

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

LABINLIMANG empleyado, inireklamo ang garapalang pandurugas ng kanilang kumpanya. Naghihimutok na lumapit sa BITAG Kilos Pronto dahil installment ang kanilang sahod at zero ang benepisyo.

 Naninilbihan ang mga pobre sa kumpanya ng butihing­ Mayor ng Sarrat, Ilocos Norte… si Remigio Medrano. Ang siste sa kumpanya nitong putok sa buho, kailangan ay sampung taon ka muna sa kumpanya bago makakuha ng benepisyo.

Napakainutil at brutal na kasunduan. Gusto kong makilala at batukan kung sinong henyo ang nakaisip ng gan­yang­ sistema.

Kagaguhang patakaran na nga kung iisipin, hindi pa rin natupad. Kahit mga empleyadong lagpas sampung taon na sa kumpanya, itlog pa rin ang benepisyo.

Hindi na bago sa’min ang reklamong ito. Pero kada­lasan, mga pribadong indibidwal ang inirereklamo. Heto, nangunguna sa kagaguhan si alkalde.

Dagdag pa natin ang pagkaltas sa sahod pero walang remittance at walang holiday pay. Ang ilan sa mga pobre, naputulan na ng kuryente at malala… pinalayas na sa tinitirhan.

Ito na nga ba ang sinasabi natin noon pa. Kung mabagsik lang ang gobyerno sa paghuli ng mga hindi nagbabayad ng SSS, de lata ang itsura ng mga selda. Hindi makakayanan ng mga kulungan sa Pinas ang dami ng mga demonyo sa lupa. 

Mayor Medrano, baho mo ay umaabot na sa tanggapan­ ng pambansang sumbungan. Pukaw na mo! Walang makain mga tao mo!

Kinuha namin ang panig mo. Sabi ng iyong tauhan, abala ka sa pangangampanya, este, business trip. Sige, pagbutihin mo.

Paliwanag niyo, nagkakaproblema lang kayo sa collection kaya napapabayaan ang mga tao. Gusto mong magtayo ng negosyo tapos wala kang pondo. Hindi kami anti-business. Pero kung ganyan sistema niyo, magsara na lang kayo. 

Mawawalan ng tiwala mga Ilocano sa’yo. Sarili mong empleyado, ‘di mo matrato nang tama. Eleksyon pa naman… masisira ka nang ‘di oras.

Gusto mo maging pulitiko, gusto mo mangasiwa ng tao, tapos sa sariling empleyado pa lang palpak ka na. Nakatutok na ang grupo ng BITAG sa’yo. Unahin mo muna ‘to bago balwarte mo.

vuukle comment

BEN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with