^

PSN Opinyon

Pakiusap ng MIAA sa madlang traveling passengers

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAKIKIUSAP si MIAA general manager Ed Monreal, sa madlang traveling passengers na makipagtulungan sa kanila para sa ginagawang ‘security enhancement’ sa NAIA.

Bakit?

Sagot - Nagbigay ng warning ang US of A Department of Homeland Security regarding sa travel advisory na ang ginagawang security measures sa mga international terminals ng NAIA ay bulok este mali substandard pala.

Kaya kung ano man ang pinagagawa sa mga pumapasok sa paliparan ay dapat sumunod na lamang at huwag nang kontrahin dahil para ito sa seguridad ng lahat ng mga pasahero at hindi pahirap para sa kanila.

Kaya naman patuloy tayong susunod sa internationally accepted security protocols at standards.

Sabi nga, dapat lang!

Ang warning ng US of A Homeland Security ay hindi panakot sa madlang Pinoy dahil patuloy na ginagawa ng MIAA ang lahat para sa seguridad ng bawat pasahero sa loob ng paliparan. 

Tama!

May mga recommendations ang US of A Transportation Security Administration sa NAIA, ito ay ginagawa na at ang iba naman ay tinutugunan na.

Sabi nga, kaya natin ito! 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Department of Homeland Security advisory ay nagsasabing lahat ng mga airlines na nag-iisyu ng tiket papuntang Philippines my Philippines at US of A ay inuutusang ipaalam sa mga pasahero sa pamamagitan ng love letters este mali sulat pala na may kulang sa security measures na ipinatutupad sa NAIA.

Ano ang dapat?

Abangan.

Sangkaterbang kaso isinampa sa mag-erpat na Garin

SANGKATERBA ang natutuwang madlang people nang kasuhan sina Rep. Richard Garin, watot ni dating DOH Secretary Janette Garin at erpat nitong si Guimbal Mayor Oscar Garin, dahil pitong kasong kriminal na isinaing este mali inihain pala ng pulis na binugbog sa Iloilo, at apat pang kasong administratibo na isinampal este isinampa pala ng PNP sa dalawa.

Ang dalawang kolokoy este mali mag-erpat pala ay inakusahan ng pambubugbog kay PO3 Federico Macaya Jr.

Ikinuento ni Macaya na siya ay sinampal, dinisarmahan, kinapkapan, ipinosas at dinuraan pa.

Sabi nga, suot ang police uniform niya nang mangyari ang kababalaghan este mali gulpihan blues pala.

Naku ha!

Abusado pala ang mag-erpat.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang apat na administrative cases ay ipinakain este mali inihain pala sa mag-erpat ay grave misconduct, conduct unbecoming, oppression, abuse of authority at conduct prejudicial to the best interest of the public.

Bukod dito, sinampahan din sila ng pitong kasong kriminal para sa direct assault, grave coercion, grave threats, physical injuries, slander by deeds, serious illegal detention at alarm and scandal.

Naku ha!

Ang dami.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bago nilambutsing si Macaya ay pinatay ang security camera ng isang aso este mali bodyguard pala ni Garin para walang ebidensiya na makuha?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sa isang lugar sa Guimbal town plaza sa Iloilo nangyari ang pambubuso este mali pang-aabuso pala.

Dapat umaksyon din ang House Ethics Committee tungkol sa ginawa ni Rep. Garin para maparusahan ito. 

Abangan.

vuukle comment

ED MONREAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with