^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Road diet’, anong pakulo ito?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - �Road diet�, anong pakulo ito?

KAHAPON, walang galawan ang mga sasakyan sa EDSA. Nagmistulang malawak na parking lot mula Quezon Avenue hanggang Cubao. Pa­usad-usad din sa Shaw Blvd hanggang Guadalupe. Pagdating sa Buendia, tukod na naman ang trapik hanggang Ayala. Sabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) babalik ang normal traffic sa Enero 3, 2019 kung saan tapos na ang holiday season. Tapos na ang pagsa-shopping at pagbili ng mga regalo. Wala na ring mga party. Balik na sa normal ang buhay ng mga nagbibiyahe sa EDSA.

Pero sabi ng MMDA, hindi sila tumitigil sa pag-iisip ng paraan kung paano mapapaluwag ang tra­piko sa EDSA. Lahat daw ay kanilang susubukan hanggang sa maabot ang hangarin. Magtagumpay umano sila sa hangaring mapaluwag ang EDSA.

At isa sa kanilang susubukan o gagawing eks­perimento ay ang “Road diet’’. Ayon sa MMDA ang “Road diet’’ ay ang pagpapakitid sa mga lane ng EDSA. Kapag binawasan o kinitiran ang mga lane, mapa-north at south bound, marami nang magkakasyang sasakyan. Mula sa kasalukuyang limang lanes ay gagawin nilang anim na lanes. Ang dating lapad ng lane na 3.4 meters ay gagawin itong 2.8 meters. Malaki umano ang madadagdag kaya makakabawas ito sa trapik.

Gayunman, sabi ng MMDA, dadaan pa ito sa masusing pag-aaral at pagpaplano. Kailangan din umano ito nang malaking pondo. Isinumite na umano nila sa DPWH ang panukalang “Road diet’’ at hihintayin nila ang approval nito.

Hindi masamang magplano lalo pa’t sa ikalu­luwag ng EDSA. Pero sa aming palagay, hindi ang pagpapakitid sa lanes ng EDSA ang kasagutan. Palagay namin, lalo lamang sisikip ang trapik dahil magsisiksikan. Ang pinakamaganda pa rin, pagbawalan ang mga bus na bumalagbag sa Cubao. Maraming bus ang humaharang at kina­kain ang lane ng private vehicle. Kung mapapa­tino ang mga bus drivers sa EDSA, ito ang tamang solusyon.

vuukle comment

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with