^

PSN Opinyon

Mga mambabatas kaduda-duda talaga

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

TALAGA bang hindi mapagkakatiwalaan ang mga mam­babatas? Taun-taon na lang, ganitong petsa, dapat suyu­rin ang panukalang national budget ng susunod na taon. Ito’y para malaman kung merong patagong isiningit ang mga senador at kongresista na ilegal na pork barrel sa iba’t ibang gastusin ng gobyerno. Mga tagasilbi natin ang mga mambabatas; galing sa ating buwis ang suweldo nila. Pero para silang mga suspek na kailangang kapkapan dahil baka merong ninakaw na pag-aari natin.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema nu’ng 2014 kung ano ang pork barrel. Mga pondo ito, lump sum (buo-buo) man o tilad, na ipinauubaya sa mambabatas kung paano, saan o kanino gagastusin. Halimbawa: Tig-P200 milyon kada senador at P70 milyon kada kongresista bawat taon para sa kanilang paboritong proyekto. Labag ito sa Konstitusyon dahil Ehekutibo ang taga-gawa ng mga proyekto, samantalang ang mga mambabatas ang taga-aproba at -pondo nito. Kapag ibinigay sa mambabatas ang pera, saka pa lang siya mag-iisip ng ipagagawang kalye o palengke o waiting shed; mga scholars na pag-aaralin; at mga alalay na pagpapasyalin. Tukso ‘yon sa katiwalian: kickback o komisyon.

Miski bawal ang pork barrel, isinisingit pa rin ito sa budget. Binibisto ito ni dating party-list Rep. Neri Colmenares, (yumaong) kongresista at senador Joker Arroyo, at kasalukuyang senador Panfilo Lacson. Huling termino na ni Lacson sa Senado; pag-alis niya sa Hunyo 2019, wala nang magbibisto -- kung hindi mahalal si Colmenares bilang senador at iba pang hindi ganid sa Kongreso. Magkukutsabahan ang mga mayorya at menorya ng Senado at House of Reps na magsingit ng pork barrel. Daan-daang bilyon ang mapupunta sa bulsa at walang kapararakang proyekto ng mga impak...

... Sana maging katiwa-tiwala ang mga mambabatas.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with