^

PSN Opinyon

Humarurot

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon

TALAGANG nabigla ako nang mapanood ang actual CCTV footage ng pagkahulog ng isang Toyota Innova sa dagat nang paakyat na ito ng barge sa Samal Island patungong Davao City noong nakaraang linggo.

Ang akala ko noong una, bumigay ang ginagamit paakyat o pababa ng mga sasakyan maging ang mga pasahero na sumasakay sa barge.

Pero maayos namang pumila at umakyat ang mga sasakyan na mas nauna pa nga sa Innova.

Maayos ding pumila at naglakad paakyat ang mga pasahero sa gilid ng barge. 

Ngunit bigla na lang may humarurot at ‘yun nga ang Innova na lulan mag-isa ang driver nito -- ang bilis ng takbo nito at diretso sa tubig.

Namatay ang driver ng Innova dahil daw sa lakas ng current sa ilalim ng dagat. Naganap ang insidente dakong alas 8:00 ng gabi.

Hindi maiwasang magtanong kung bakit nagkaganoon ang pangyayari --- at kung lasing ba ang driver ng Innova sa panahong ‘yun kaya siya na-out of control.

May haka-haka rin na posibleng nakatulog ang driver at naalimpungatan nang katukin at sinabihan na siya na ang susunod sa pila. Nabigla siya kaya dire-diretso ang pagmamaneho patungong tubig imbes na sa barge ang akyat niya.

Ibayong pag-iingat ang kailangan sa pagmamaneho mapaakyat o pababa man ng ferry boat ganundin habang naglalakbay sa daan. Ingat.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with