^

PSN Opinyon

Militar bilang Customs labag sa Konstitusyon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SABI sa Konstitusyon, Artikulo XVI, Mga Tadhanang Pang­kalahatan. Seksyon 5 (4): “Ang sino mang kaanib ng sandatahang lakas na nasa aktibong paglilingkod ay hindi ka­ilanman dapat hirangin o italaga sa alin mang tungkulin sa isang katungkulang sibilyan sa Pamahalaan gayon din sa mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan o sa alinmang mga sangay nila.”

Dahil diyan, bawal ipasa-kamay ni Presidente Duterte sa sundalo ang Customs. Gaano man siya at ang mamamayan kaasiwa sa katiwalian sa ahensiya, ang pagdidispatsa ng militar ay hindi solusyon. Mag-isip dapat agad ng iba pang pamamaraan. Kundi’y maaksaya ang panahon; kukuwestiyunin lang sa Korte Suprema ang utos ni Duterte. Makakapagpuslit ng tone-tonelada pang shabu sa pier, at mawawaldas sa “tara” ang dapat na kita ng gobyerno mula sa import duties.

Utos sa kasundaluhan na ipagtanggol ang Konstitu­syon. Saad sa Artikulo XVI, Seksyon 5 (1): “Ang lahat ng mga miyembro ng sandatahang lakas ay dapat manumpa nang taimtim o magpatotoo na ipagsasanggalang at ipagtatanggol ang Konstitusyong ito.”

Pati ang Presidente ay obligadong itaguyod ito. Takda ng Artikulo VII, Kagawarang Tagapagpaganap. Seksyon 5: “Bago magsimula sa pagtupad ng kanilang katungkulan, ang Pangulo, ang Pangalawang Pangulo, o ang Nanu­nungkulang Pangulo ay dapat magsagawa ng sumusunod na panunumpa o pagpapatotoo:

“Mataimtim kong pinanunumpaan (o pinatotohanan) na tutuparin ko nang buong katapatan at sigasig ang aking mga tungkulin bilang Pangulo (o Pangalawang Pangulo o Nanunungkulang Pangulo) ng Pilipinas, pangangalagaan at ipagtatanggol ang kanyang Konstitusyon, ipatutupad ang mga batas nito, magiging makatarungan sa bawat tao, at itatalaga ang aking sarili sa paglilingkod sa Bansa. Kasihan nawa ako ng Diyos.’ (Kapag pagpapatotoo, ang huling pangungusap ay kakaltasin.)”

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with