^

PSN Opinyon

OFW ‘bagsak presyo’ sa Middle East!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TAYONG mga Pilipino ay sanay sa hirap at sakripisyo kaya naman ang iba sa atin ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa para sa mas malaking suweldo.

Sa una ay nakakagalak dahil makakatulong ka sa pamilya subalit kapag nandoon ka na masasabi mong mahirap nga pala talaga.

Ang kadalasang trabaho ng mga Overseas Filipino Worker sa Middle East, domestic helper. Hindi ito biro dahil nakikipagkumpetensya sila sa ibang bansa na “bagsak presyo” para pagsilbihan ‘tong mga Arabong amo.

Hindi sa nilalahat ko, pero kadalasan kasi, itong mga OFW na may istura kapag hindi pinagbubuntu­nan ng selos ni Arabong misis eh mga anak mismo ang guma­gawa ng katarantaduhan sa kanila.

Hindi rin sa nanglalait ako, pero hubo’ hubad na katotohanan na itong mga sadistang Arabong misis na amoy-sibuyas at parang isdang malansa na nabu­bulok sa palengke, insecure sa mga mababango at amoy-pinipig na mga Pilipina.

Eto ang mga dahilan kung bakit ganoon na lamang sila abusuhin at tratuhing parang hayop sa mga bansa sa Middle East.

Araw-araw sa Bitag-Kilos Pronto Action Center, may natatanggap kaming mga sumbong ukol sa mga OFW na nagtatrabaho sa Middle East.

Ang kadalasang sumbong ng mga humahagulgol na Pinay OFW o di kaya ng kanilang mga kaanak sa BITAG-Kilos Pronto ay panga-abuso, pagmamaltrato, at pangmamanyak ng kanilang mga among Arabo.

Kaya naman ang Philippine Overseas Employment­ Administration (POEA), muling ibabalik at pata­taasin pa ang escrow fund ng bawat Foreign Recruitment Agency na gustong maghire ng mga Pinay household workers.

Sa mga di pamilyar, ang escrow fund ay parang “bond” na ibinibigay ng FRA para makasiguro na sila ay kukuha ng serbisyo. Ihuhulog nila ‘to sa mga pinagkakatiwalaang banko ng POEA.

Samakatuwid, ito rin ay magsisilbing proteksyon sa mga OFW kung sila man ay di bigyan ng suweldo o di kaya naman ay ayaw pauwiin kahit tapos na ang kanilang kontrata.

Kung tutuusin nga ay kakarampot pa ang sampung libong dolyar na ibinabayad ng bawat FRA sa abusong inaabot ng mga kababayan natin. Dapat itong taasan pa para na rin sa suguridad at proteksiyon ng mga nangangamuhan na OFW lalo na sa Middle East.

vuukle comment

OVERSEAS FILIPINO WORKER IN MIDDLE EAST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with