^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Nuisance candidates’nararapat parusahan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - �Nuisance candidates�nararapat parusahan

HANGGA’T walang napaparusahan sa “nuisance candidates” o yung mga panggulong kandidato, hindi titigil ang mga ito sa pagpa-file ng kandidatura kahit wala namang kuwalipikasyon. Ginagawang komedya na ng mga panggulo ang paghahain ng kandidatura. Taun-taon, tuwing panahon ng pagpa-file ng certificate of candidacy (COC), may mga lumulutang na panggulo at ginagawang  katawa-tawa ang paghahain ng kandidatura. Sa halip na mapadali ang pagtatrabaho ng mga taga-Comelec, naaantala dahil sa mga kung anu-anong drama ng mga panggulo. Nang-aagaw ng eksena kaya sa halip na bumilis ang proseso ng pagpa-file ng COC, tumatagal dahil sa mga panggulo.

 

Sa unang araw ng pagpa-file ng COC noong  Oktubre 11, ilang panggulo ang lumutang. Mas nauna pa silang dumating kaysa mga seryosong tatakbo. Sa Comelec main office sa Intramuros, lumutang ang isang lalaking nag-file ng COC at sinabing ex daw siya ni actress Kris Aquino. Isa pang lalaki ang nag-file at sinabing siya raw si Jesus Christ. Isang babae ang nag-file rin ng COC pero walang tigil sa pagmumura at kung anu-ano ang sinasabi. Mayroon pang isang lalaki na nag-file at sinabing matagal na raw siyang kumakandidatong senador pero lagi naman siyang nire-reject.

 

Ang ganitong senaryo na tila ba ginagawang katatawanan o kalokohan ang paghahain ng COC ay nakatawag ng pansin ni Sen. Sherwin Gatchalian at ipinapanukala niya ang isang batas na magpapataw ng parusa sa mga “nuisance candidate”. Ayon sa senador, pagmumultahin ng P50,000 ang mga mapapatunayang pinaglalaruan o pinagtitripan ang paghahain ng COC. Ayon pa kay Gatchalian, gusto niyang amyendahan ang Omnibus Election Code para magkaroon ng kapangyarihan ang Comelec sa pagpili ng mga maghahain ng COC.

Dapat isulong ang panukalang ito. Kapag walang batas na susundin ukol sa ginagawa ng mga panggulong kandidato, taun-taon ay laging may komedya sa Comelec. Hindi matatakot ang mga ito at lalo pang aagaw ng pansin. Sisirain pa ang magandang daloy ng mga seryosong nagpa-file ng COC. Kailangang maparusahan ang mga panggulo para magtanda. Kailangang matigil na ang kanilang pagti-trip.

vuukle comment

CERTIFICATE OF CANDIDACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with