^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nararapat magdesisyon ang economic managers

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nararapat magdesisyon  ang economic managers

NAGTAAS na naman ang presyo ng gasolina at diesel ngayong araw na ito. Nagtaas ng P1.00 ang gasolina at P1.40 ang diesel. Ito ang ikasiyam na pagtataas mula pa noong Agosto. Linggu-linggo na ang pagtataas at marami nang umaaray sapagkat sumasabay din sa pagtataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin ganung hindi naman nadadag­dagan ang suweldo. Dahil sa walang tigil na pagtataas ng petroleum products, humihingi ng dagdag sa pasahe ang transport groups at nagbantang mag­lulunsad ng tigil pasada kapag hindi inaksiyunan ang kanilang hiling sa taas pasahe.

Ang pagtaas ng langis sa pandaigdigang pami­lihan ang pangunahing dahilan kaya mataas ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene. Walang ma­katututol dito lalo pa ang mga bansang umaasa sa langis. Kung ano ang idikta ng mga oil produ­cing countries, susunod ang mga bansang nakadepende sa langis at isa rito ang Pilipinas.

Lalong tumaas ang presyo ng gasolina’t diesel nang patawan ito ng 2 percent excise tax alinsunod sa TRAIN Law na nagkabisa noong Enero 2018. Sa Enero 2019 ay ipatutupad pa ang TRAIN 2. Maiisip na kung ngayon ay hilahod na ang mahihirap dahil sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin, paano pa kung ipatutupad ang TRAIN 2.

Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), ang tax na kinikita sa petroleum pro­ducts ang nagpopondo sa mga proyekto ng gob­yerno. Kumikita ang gobyerno ng P49.4 billion sa tax mula sa petroleum products. Kapag daw sinuspende ito, gaya ng payo ng mga nasa oposisyon, malaki ang mawawala sa gobyerno at saan kukuha ng pondo para sa mga proyekto.

Umaabot na sa $83 ang bawat bariles ng langis. Sa ilalim ng TRAIN Law, kapag umabot sa $80 ang bawat bariles, maaaring suspendihin ang excise tax na ipinapataw sa petroleum products. Kung ganun, maaari na palang suspendihin ang tax dito. Sobra-sobra na ang taas ng langis. Dapat magdesisyon na ang economic managers ni President Durterte sa pagkakataong ito. Huwag nang hintayin pang mabugbog nang todo ang mamamayan sa walang tigil na pagtaas ng bilihin na pinalubha nang pag­taas ng gasolina at diesel. O mas maganda ang Presidente na mismo ang kumilos dito.

vuukle comment

GASOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with