^

PSN Opinyon

Ano ba talaga ang totoo kuya?

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

HINDI lang isa, dalawa o tatlong mga opisyal ng admi­nistrasyong Duterte ang kusang nag-resign kuno sa kani-kanilang puwesto. Usung-uso ngayon ang nagbitiw, pinagbitiw at magbibitiw sa puwesto lalo na at nalalapit na ang eleksiyon. Pero duda ako sa mga opisyal na nag-resign, palagay ko may taong nagpayo sa mga ito na lisanin na lang ang kanilang puwesto. Alam naman ng lahat na kapit-tuko sapagkat maraming perks and privileges na makukuha at higit sa lahat pamoso sila sa tingin ng mga tao.

Sa totoo lang ang mga taong malapit kay President Digong ang humihila sa kanya pababa dahil sa mga palpak na trabaho. Maigi lang sila noong unang araw sa puwesto pero lumaon sandamakmak na problema ang iniwan sa kanilang mga opisina. Kilala si Digong sa pagiging prangka kaya kesa sila’y mapahiya sa publiko, meron ng nagpapayo na lisanin na nila ang trabaho. Tama lamang na lahat ng balakid at sumisira sa imahe ni Digong ay tanggalin sa puwesto.

Nitong nakaraang araw isang Usec ang pinatalsik ni Digong sa puwesto at isang Usec din ang nag-resign kuno pero hindi tanga ang marami upang maniwala sa palusot na ito. Sa dinami-rami ba naman ng kahihiyang inabot ng administrasyon sa kanya dahil sa pinaggagawa niyang kapalpakan ultimo mga intelehenteng tao sa loob ng administrasyon ay hindi masikmura ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi nga lang puwedeng patalsikin dahil pinaka-makapangyarihang tao ang nagluklok sa kanya sa pwesto. Bayad utang ika nga.

Sa paiba-ibang isip ni Digong hirap ang kanyang Gabinete kung paano malulusutan ang pinagsasabi niya. Tulad na lang ng pag-amin sa extra-juducial killings at ang isa pa ayon sa tagapagsalita at taong pinaka-malapit sa kanya ay nagpapahinga lang ang Presidente ‘yun pala nagpa-check up ito sa doctor. Litung-lito na kami, ano ba talaga ang totoo kuya?

vuukle comment

DUTERTE ADMINISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with