^

PSN Opinyon

20 kabataan sa Las Piñas ang may dengue

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MARAMING may dengue sa Green Valley Compound, Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City at isa na ang na­matay. Nakilala ang namatay na si Dwyne Siso, 5. Sa kasalukuyan, 20 kabataan na ang may dengue at ginagamot sila sa iba’t ibang ospital.

Narito ang ilan sa mga kabataan na tinamaan ng dengue sa Green Valley Compound na ipinaabot sa akin ni Bgy. Manuyo Dos Kagawad Joseph dela Vega: Erog Mar­tinez, kasalukuyang nakaratay sa Philippine General Hospital; Yu Anne Masangkay nasa Manila Doctors;  Rhian Kazzy Bon nasa Olivares Hospital; Jhon Theo Matnan, nasa Olivarez Hospital; Angemar Yray nasa San Lazaro Hospital; Ethan Raiden James Olayon, nasa PGH; Oyo Daniel Luarca, nasa Las Piñas Doctors Medical Center; Herbie Carandang nasa PGH at Illam Jasper Han nasa Las Piñas Doctors Medical Center.
Nagpuputok na ang butsi ng mga residente roon dahil magpahanggang ngayon ay wala pang aksiyon si DOH Sec. Francisco Duque para alamin ang sanhi ang pag­kalat ng dengue. Ang matindi pa nito ay nag-uumapaw na ang Las Piñas General Hospital sa rami ng mga pasyente kaya ang ilan sa mga may sakit ay nakahiga na lamang sa monoblocks.

Noong Sabado ay naging saksi ako sa isinagawang defogging ni Barangay Chairman Mark Nery sa mga lugar na may dengue. Personal na pinangasiwaan nina Barangay Kagawad Noelito Pallarca, Joseph dela Vega at Eduardo Taberna ang defogging sa mga kabahayan at mga bakanteng lote kung saan maraming tinamaan ng dengue. Hindi lahat sa Green Valley ay na-defog dahil kapos sa budget ang barangay. 

Mahirap puksain ang lamok kung ang mga residente ang nagpapabaya sa kalinisan ng paligid. Sa aking pag-iikot sa Green Valley, napansin ko ang mga kanal na barado, nakakalat ang mga garapa at lata na pinamamahayan ng lamok. Ang kailangan lang ay maglinis tayo ng paligid. Sirain o itapon ang mga maaring pamahayan ng lamok.

Sa paglaganap ng dengue sa lugar, kumilos ang Knights of Columbus, Bagong Buhay Council no. 11953, Gatchalian subdivision, Las Piñas City sa pangunguna ni Totoy Baes at ang United Gatchalian Villages Home Owners Association Inc., Federation President Jun Eugenio na nagsagawa rin ng defogging sa Gatchalian Elementary School, Gatchalian High School, mga kabahayan at bakanteng lote.

Tinatawagan ko si Secretary Duque na pagtuunan ng pansin ang paglaganap ng dengue sa Bgy. Manuyo Dos, Las Piñas. Ikumpas mo Secretary ang iyong kamay sa mga natutulog mong alipores sa DOH. Hihintayin pa bang maraming mamatay sa dengue bago kumilos? Kailangan pa bang kay President Duterte manggagaling ang utos bago kumilos? Abangan!

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with