^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kampanya sa bulok na dyipni, nasan na?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Kampanya sa bulok  na dyipni, nasan na?

BIGLANG nawala ang balita sa kampanya ng pamahalaan ukol sa mga bulok na dyipni. Anong nangyari sa kampanya? Bakit nasa kalsada pa rin ang mga dyipning sira ang preno na umuutang sa buhay ng mga pasahero at pedestrians? Mismong si President Duterte pa ang nagsabi noon na wawalisin sa kalsada ang mga bulok na dyipni. Kapag hindi raw inalis ng operators ang mga kakarag-karag, ipahihila niya ang mga ito. Nasaan na ang pangako ng Presidente?

Nararapat sisihin ang Land Transportation Office (LTO) kung bakit marami pa rin ang mga bulok na dyipni. Patuloy pa rin nilang inirerehistro ang mga ito sa kabila na may kampanya ang pamahalaan na ipi-phaseout na ang mga sasakyang may edad 15 taon. Kaya hindi maubos ang mga lumang dyipni ay dahil sa maling sistema sa LTO. Kahit na makikita sa itsura ng dyipni na hindi na papasa sa emission testing, nakapagtataka na nairehistro pa. Kaya patuloy sa pagpasada ang mga bulok na dyipni na karamihan ay nagdudulot ng malagim na trahedya. Dahil sira na ang preno ng mga bulok na dyipni, walang ibang kinahahantungan kundi ang kamatayan ng mga kawawang pasahero. Mayroong nahuhulog sa bangin, bumabangga sa poste o pader at may nahuhulog sa tulay.

Isang halimbawa ay ang nangyaring aksidente sa Kalinga noong Lunes kung saan nahulog sa bangin ang isang pampasaherong dyipni na ikinamatay ng 14 na pasaherong senior citizens. Nasugatan naman ang may 30 pasahero. Nangyari ang trahedya sa Bgy. Dao-angan, Balbalan, Kalinga.

Ayon sa report, nagtungo sa munisipyo ang mga senior citizens at kinuha ang kanilang pension. Habang palusong umano ang dyipni, nawalan ito ng preno at nagtuluy-tuloy sa 80 metrong lalim ng bangin. Namatay sa pinangyarihan ng aksidente ang mga senior citizens. Maraming nasugatan dahil overloaded ang dyipni na kahit sa bubong, may pasahero.

Ang pangyayaring ito ay isa na namang pang­gising sa LTO para ipatupad ang kampanya na huwag nang hayaan pang bumiyahe sa kalsada ang mga bulok na dyipni. Ilang buhay pa ba ang dapat masayang bago ibawal ang pagbiyahe ng mga “kabaong” na sasakyan. Gising LTO!   

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with